^

Punto Mo

Ang ika-13 babae sa kanyang buhay (258)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANGANAK na naman si Mira at sa pagkagulat ni Reagan, kambal na naman ang isinilang nito—parehong lalaki! Tulad ng dati, hindi rin nila isinailalim sa ultrasound ang pinagbubuntis. Para sa kanila, masarap ang may sorpresa. Si Doktora Ana muli ang nagpaanak kay Mira.

“Talaga bang wala kayong lahi ng kambal, Reagan?’’

“Hindi ko po alam, Doktora. Wala namang naikukuwento sa akin ang parents ko noong nabubuhay pa sila.’’

“E si Mira? Baka naman sila ang may lahi ng kambal?’’

“Wala rin po siyang alam?’’

‘‘Well, siguro nga ay talagang destiny n’yo na magkaroon ng mga kambal na anak. Nung una ay isang lalaki at isang babae at ngayon naman ay parehong lalaki. Pawang malusog na mga baby. Kagila-gilalas!’’

“Oo nga po Doktora Ana—kagila-gilalas nga po!’’

“Congratulations sa inyong dalawa ni Mira.’’

‘‘Marami pong salamat, Doktora.’’

‘‘Ano ang ipapangalan n’yo sa bagong babies?’’

‘‘Wala pa pong naiisip, Doktora.’’

‘‘Di ba ang pangalan ng panganay na kambal ay sina Maginoo at Marikit?’’

“Ang gandang mga pangalan! Sana ganyan din kaganda ang name ng newly born.’’

“Opo. Mag-iisip na po, ha-ha-ha!’’

Pagkatapos mag-usap ay nagtungo na sa nursery si Reagan para makita ang kambal. Tuwang-tuwa siya habang pinagmamasdan ang kambal na lalaki. Ano nga kayang maipangalan sa dalawang ito?

Kailangan siguro ang tulong ni Lolo Lincoln. (Itutuloy)

vuukle comment

LIFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with