^

Punto Mo

Showbiz ‘Marites’ muna tayo mga friend

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

NAGBIBIGAY saya sa kampanya ng mga kandidato ang mga artista at singers na nabakante nang matagal dahil sa pandemya. Bilang salubong sa pinaluwag na alituntunin ng Inter-Agency Task Force on COVID-19, sinaliwan ng masasayang entertainment ang mga dumadalo sa mga caravan at proclamation rallies ng mga kandidato.

Bagama’t nakaaaliw nga, may mga naiintriga rin tulad ni Sharon Cuneta dahil sa panawagan nito na huwag naman daw kantahin ni senatorial candidate Atty. Sal Panelo ang kanta niya sa pangangampanya. Binaha ng bashers sa social media si Sharon dahil sa ginawa nito. Sa galit nang karamihan, ipinangakong hinding-hindi nila iboboto ang asawa nitong si vice presidentiable Kiko Pangilinan. Aray ko!

Tila umaayon naman ang magandang hangin ng pulitika sa mga kandidatong artista tulad ni Sen. Jinggoy Estrada at Robin Padilla na pasok daw sa “magic 12” kung masusunod ang mga lumalabas na surveys. Totoo ba ‘yan?

Lamang talaga ang may exposures sa TV tulad ni Raffy Tulfo na hindi pa man nangangampanya ay tanggap na ng mga botante, lalo pa’t ang programa niya ay nakakatulong sa mamamayan. Ganyan din noon ang naging kapital ni dating senator Orly Mercado. Di ba, Tekla?

Tumatakbo rin sa pagkasenador si dating-QC Mayor Herbert Bautista, Broadcasters na sina Carl Balita at ang walang kasawa-sawang si Rey Langit. Sana, dinggin na ng langit ang pagsusumamo ni Rey. Siya nawa!

Kasali rin sa mga artista na tumatabo ng suporta lalo na sa mga kabataan ay si Arjo Atayde na kumakandidato sa 3rd District ng QC, katiket ni QC Mayor Joy Belmonte at kalaban ni incumbent congressman Onyx Crisologo na anak ni dating congressman Bingbong Crisologo. Lights, camera, action!

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with