^

Punto Mo

New normal sa ­pagiging imoral, abnornal pa rin!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

MALAKING pagbabago ang idinulot ng pandemya sa industriya. Kabilang sa “new normal” ang pagdagsa ng bilang ng motorcycled delivery services dahil sa lockdowns. Pinagkakitaan nang husto ng manufacturers ng motorsiklo, online business establishments tulad ng Lazada at Shopee at ­maging mga produktong gawang bahay lamang.

Maging sa trabaho at bayarin, nauso ang electronic “online” shopping, work-from-home, bills payment, gambling and betting at document processings. Ang pagbabayad ay pinadadaan na rin sa “GCash” na mabisa ring paraan para mangutang at magpautang sa kaibigan. Ganyan na ang new normal!

Nagiging kakaiba naman ang “campaña politica” sa bansa dahil sa pag-iindorso ng mga relihiyon sa gusto nilang iboto.  Makontrobersyal na sinuong ng mga alagad ng Simbahang Katoliko ang pagsusulong ng kandidatura ni Leni Robredo. Sa loob mismo ng simbahan na may “group picture taking” pa. Napaluhod tuloy si Tekla na mistulang “abnornal”. Ha-ha-ha.

Naging malaking industriya na rin ang “vlogging social media marketing” sa panahon ng eleksyon. “Vloggers” na lamang ang ipinangtatapat ng ilang political camps sa malalaking TV networks. Kung maningil ang mga ito, halos sairin ang campaign funds ng kanilang partido. Magagaling na ­“influencers” ang ilan sa kanila. Dalubhasa rin sa pagkakalat ng “fake news” sa kalaban nila. Uso ngayon yan, di ba, Ben Barubal?

Malaki na talaga ang kontribusyon ng social media sa galaw ng mundo. Pinabilis nito ang daloy ng komunikasyon ngunit nagiging masamang impluwensiya rin sa mga kumplikadong balita. Karamihan ay lihis sa “ethical standard” ng mass media.

Kailangan na ang isang ahensiya na lilikha ng panuntunan sa gawain ng vloggers na nagagamit sa kaimoralan. Meron na bang samahan ang vloggers tulad ng KBP at NPC na may sinusunod na pamantayan sa pagbabalita? Ayos ba Carl Balita?

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with