^

Punto Mo

Ang baboy sa silong ng bahay

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ISANG kakilala ng kakilala ko ang nakabasa ng “aswang series” na naisulat ko ilang buwan na ang nakalilipas dito sa DIKLAP. Isang araw ay nagkita kami at naikuwento niya ang kanyang karanasan noong dalaga pa at naninirahan sa isang malayong probinsiya. Nasambit niya sa akin na totoong lahat ang aking na-research tungkol sa mga aswang. Narito ang kanyang salaysay:

Unti-unti nang nanghina ang katawan ng aking lola matapos na siya ay ma-stroke. Kaming mag-anak ay may kanya-kanyang oras ng pagbabantay sa araw at gabi dahil may mga tao sa aming paligid na pinaghihinalaan naming aswang. Ayaw naming masalisihan kami ng aswang na gustong-gustong puntahan ang taong may malulubhang sakit. Nanakawin nila ito para gawing pagkain.

Ang aming bahay ay yari sa kawayan. Kagaya ng pangkaraniwang bahay sa bukid, ito ay may apat na baytang na hagdanan. Mayroon itong silong kung saan puwedeng pumasok doon ang isang tao nang nakaupo.

Isang gabing ako ang naka-duty para magbantay kay Lola, may naamoy akong napakabaho na nagmumula sa silong ng bahay. Sobrang baho. May naramdaman akong may kumikilos dito pero hindi ako makatingin sa ilalim. Ayokong magpahalata na may nararamdaman ako. Dahan-dahan akong nagpunta sa salas kung saan naroon ang aking ama. Sumenyas ako na may kumikilos sa silong. Agad namang naintindihan ng aking ama ang nais kong iparating kaya’t kinuha nito ang mahabang metal na bareta. Ang totoo ay matagal na naming pinaghandaan ang pag-atake ng aswang kahit walang makapagsabi kung ito ay tsismis lang o katotohanan.

Nasilip ng aking ama ang kumikilos na nilalang sa silong. Ito pala ay baboy na umuungol. Tinantiya ng aking ama kung saan nakapuwesto ang baboy at saka ubod lakas na itinusok niya ang bareta rito. Naalaala ko’y nawasak ang bahaging iyon ng aming sahig na kawayan. Nakawala ang baboy sa pagkakatusok sa bareta. Nakatakbo ito at nawala sa gitna ng kadiliman.

Kinaumagahan, kumalat ang balita na natagpuang nakahandusay at wala nang buhay sa kanyang kubo si Mang Inggo. Dayo lang ang lalaking iyon sa aming lugar at mag-isa lang itong namumuhay. May malaki at malalim na sugat daw ito sa kanyang likod. Upang makasiguro na mamamatay ang aswang oras na masugatan, sa likod dapat siya tagain o sugatan upang hindi nila ito maabot para pahiran ng kanilang healing oil. Inilihim namin ang pangyayari. Mahirap na, baka may kamag-anak na aswang si Mang Inggo at kami ay gantihan.

vuukle comment

PORK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with