^

Punto Mo

EDITORYAL- Galunggong naman ang dadagsa sa bansa

Pang-masa
EDITORYAL- Galunggong naman ang dadagsa sa bansa

HANGGANG ngayon, dumadagsa pa rin ang mga smuggled na gulay sa bansa – carrots, luya, bawang, repolyo, cauliflower at mga prutas na gaya ng strawberry at ubas. Patuloy ang vegetable smuggling at walang ibang namatay kundi ang mga lokal na maggugulay. Bigumbigo ang mga nagtatanim ng carrots sa Benguet sapagkat nawalan sila ng ikinabubuhay. Ang dating 300 sako ng carrots na dinadala nila sa Maynila ay naging 100 na lang at hindi pa maubos. Sa mga palengke sa Metro Manila, pawang carrots na smuggled ang makikita. Halatang imported ang mga carrots dahil malalaki kumpara sa mga carrots na ani sa Benguet at Baguio. Pati mga luya, halata ring imported dahil malalaki. Sabi ni Agriculture Sec. William Dar noong nakaraang taon, paiimbestigahan daw niya ang pagdagsa ng mga gulay. Ipakukumpiska umano niya ang mga ito. Wala raw siyang inaawtorisa sa DA na mag-import ng gulay at prutas. Subalit walang nangyari sa sinasabing imbestigasyon at hindi rin kinumpiska ang mga gulay bagkus dumami pa. Lalong nabaon sa kumunoy ng hirap ang local vegetable farmers.

Ngayon naman, mga lokal na mangingisda ang balak “patayin” ng DA sa balak na pag-import ng 60,000 metriko tonelada ng galunggong. Ayon sa DA, kaila­ngang mag-import ng galunggong sapagkat hindi pa nagno-normalize ang local supply dahil sa pananalanta ng Bagyong Odette. Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kukulangin ang bansa sa supply ng galunggong sa first quarter ng 2022. Kailangan daw mapunan ang 119,000 metriko toneladang kakulangan sa galunggong.

Napapaligiran ng karagatan ang Pilipinas at sagana sa isda at iba pang mga lamandagat kaya nakapagtataka kung bakit kailangan pang mag-import ng galunggong. Paano na ang ikabubuhay ng mga lokal na mangingisda kung mag-i-import? Saan nila dadalhin ang huli? At saang bansa iimporta ng galunggong? Sa China? Ang mga Chinese fishermen ay sa karagatan ng Pilipinas nangingisda at binu-bully pa nga ang mga mangi­ngisdang Pinoy. Malamang ang bibilhin ng DA ay mga galunggong na hinuli rin sa karagatan ng Pilipinas. Tutulan ang importasyon ng GG.

vuukle comment

FISH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with