^

Punto Mo

Girian ng China at Taiwan, apektado tayo malamang

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

KASABAY nang girian sa pulitika ngayon sa bansa ay posibleng maharap sa kompromiso ang Pilipinas dahil sa babala ng giyera sa pagitan ng China at Taiwan na hindi natin puwedeng balewalain.

Binisita kamakailan ni presidentiable Ping Lacson ang Scarborough Shoal na tulad ng Ayungin Shoal ay inaangkin din ng China at nakatikim din ang grupo nito ng warning at pagtataboy ng China habang nasa himpapawid sila. Ano naman kaya ang gustong palabasin ni Sen. Ping sa pagbisita niya sa Scarborough? Mag-photo ops o magparamdam sa China na kandidato siya? Bumakas naman kaya?

Kung maninindigan at tutulong ang mga kaalyadong bansa ng Taiwan tulad ng Australia, Great Britain at USA ay maaaring mag-isip din ang China kung itutuloy nito ang pagsalakay sa Taiwan, pero kapag napikon, ihanda na natin ang sarili sa mas matinding hagupit ng ekonomiya. Siguradong mas matindi pa ito sa pandemya. ‘Wag naman sanang matuloy.

Ipinaaalis din ng China ang BRP Sierra Madre, ang nag-iisang bulok na barko ng Philippine Navy na nakasadsad sa Ayungin Shoal na nagsisilbing command post ng AFP  dahil nasasakop ito ng exclusive economic zone ng Pilipinas  na pinagtibay ng United Nations Convention on Law of the Sea (UNCLOS) mula pa noong 1982. Pumalag ang DND, pero hanggang saan naman kaya hahantong ito?. Taliwas ito sa sinasabi ni President Digong na kaibigan natin ang China kaya dapat na makipagtulungan tayo sa kanila. Eh! bakit kalaban yata ang trato nila sa atin ngayon?

Magiging problema ng bansa ang pagpapauwi sa OFWs na nagtatrabaho sa Taiwan kapag nagkagulo at malamang na magtawiran sa atin ang magbabakwit na mga Taiwanese kapag natuloy ang giyera dahil magkakapit dagat lamang ito sa Pilipinas, kaya hindi rin tayo puwedeng maging kampante sa mangyayari. Ipanalangin na lamang natin na huwag matuloy ang kabuhungan ng mga makapangyarihang bansa.

vuukle comment

TAIWAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with