^

Punto Mo

Itim na mansanas matatagpuan sa China!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

PULA, berde at dilaw ang kalimitang kulay ng mga mansanas pero alam n’yo ba na may itim na mansanas na matatagpuan sa mga bundok ng Tibet sa China?

Ang kakaibang variety ng mansanas na ito ay tinatawag na Black Diamond apple. Ito ay mula sa breed ng Red Delicious apple na naging kulay itim dahil sa lugar kung saan nakatanim ang puno nito. Ang orchard kung saan namumunga ang mga ito ay nasa Nyingchi, Tibet Autonomous Region . 

Ang mga puno nito ay nakatanim ng 3100 meters above sea level kaya mataas ang ultraviolet light na natatanggap nito mula sa araw. Dahil sa ultraviolet light, ang balat ng Red Delicious na kalimitan ay dark red ay nagiging dark purple at kulay itim.

Ayon sa may-ari ng orchard na si Miss Yu Wenxin, tinawag nila itong Black Diamond dahil kapag natatamaan ng araw ang mansanas na ito, kumikinang ito na parang itim na diyamante.

May kamahalan ang variety na ito dahil matagal magbunga – umaabot ng walong taon.

Nagkakahalaga ang Black Diamond apple ng 50 Yuan (katumbas ng P395) bawat piraso. Mabibili lamang ito sa mga high-end supermarket sa Beijing, Shanghai, Guangzhou at Shenzhen.

 

vuukle comment

CHINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with