^

Punto Mo

EDITORYAL - Nasaan na ang ayuda sa PUV ­drivers?

Pang-masa
EDITORYAL - Nasaan na ang ayuda sa PUV ­drivers?

WALA pa ang pangakong ayuda o fuel subsidy sa mga drayber ng pampublikong sasakyan. Sabi ng Land Transportation Franchising and ­Regulatory Board (LTFRB) noong nakaraang linggo, inihahanda na raw ang ayuda. Naglaan daw ng P1 bilyong pondo ang pamahalaan para ayuda sa mga drayber ng pampublikong sasakyan na apektado ng mga serye ng oil price hike. Anyare sa ayuda at hanggang ngayon ay wala pa?

Hindi kaya tumamlay na ang pangakong ayuda dahil nakatakdang mag-rollback ang presyo ng diesel at gasolina bukas. Magro-rollback daw ng 50 sentimos ang diesel samantalang 90 sentimos sa gasoline. At sa susunod na linggo ay meron na naman umanong rollback. Ang nakapagtataka lamang, mas maliit ang rollback kaya sa pagtataas. Noong nakaraang linggo, ang bawat litro ng gasoline ay tumaas nang mahigit P1.00. At bukas, magro-rollback lang ng kapiranggot.

Kailangan nang maibigay ang subsidy sa mga drayber para naman matulungan sila sa pang-araw-araw na pamumuhay. Hindi pa natatagalan nang sila ay muling makapamasada dahil sa sunud-sunod na lockdown at ngayon, ang pagtaas naman ng gasoline at diesel ang kanilang pinapasan. Sa 10 sunud-sunod na pagtaas ng petroleum products, wala nang naiuuwing kita para sa pamilya ang mga drivers. Ang isa pang problema, limitado ang pasahero nila. Kaya nang ipag-utos ng IATF na dagdagan ng 70 percent ang kapasidad ng mga pampublikong sasakyan, natuwa sila. Kikita na rin sila kahit paano. Ganunman, kailangan pa rin nila ang ayuda o ang pangakong subsidy ng pamahalaan.

Isa rin naman sa maaaring gawin ng pamahalaan para lubusang mabawasan ang pasanin ng mga driver ng pampublikong sasakyan ay ang pagsuspende sa buwis na ipinapataw sa mga produktong petrolyo. Mas madali itong gawin kaysa maghanap ng pondong pang-ayuda sa ­drivers. Nakasaad naman sa TRAIN law na kapag tumaas ng $80 bawat bariles ng langis, maaaring suspendihin ang buwis.

Gawin ng pamahalaan ang pinakamabilis na paraan para matulungan ang mga apektadong drayber. Hindi na dapat mag-atubili pa sa pagkakataong ito dahil marami na ang lugmok sa kahirapan.

vuukle comment

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with