^

Punto Mo

Life hacks (Part 3)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Ang size ng paa natin ay nadadagdagan ng 5 to 10 percent sa hapon kaya huwag bumili ng sapatos sa umaga.

•Ang music na may strong beat ay nakakapagpa-aktibo ng brain waves. Nakakatulong ito upang mag-improve ang concentration ng isang tao.

•Warm lemon juice na hinaluan ng isang kurot na asin ay nagpapababa ng timbang cholesterol level.

•Nakakabawas ng acne breakout  ang regular na pagkain ng pakwan.

•Nakakadagdag ng “creativity” ang pag-inom ng moderate amount ng alak bago magsulat.

•Bakit maaga kang nagigising sa umaga kapag nakipag-inuman ka nang nakaraang gabi? Maybe, mababa ang blood sugar mo. Kumain ng isang slice na tinapay o kumain ng peanut butter para bumalik ito sa normal.

•Kung sino ang nang-api sa iyo, siya rin ang taong manghihingi ng tulong sa iyo pagdating ng araw. As in, wala siyang ‘choice’ dahil tanging ikaw lang sa mundong ito ang makakatulong sa kanya. Talagang kasama na rin ang ganoong pangyayari sa batas ng karma.

•Sa pagtatapos ng bawat job interview, laging itinatanong ng interviewer sa applicant kung may question sila. Itanong ninyo sa interviewer kung ano ang nagustuhan nila sa kompanya at doon niya napiling magtrabaho. Sure ‘yan, matatandaan ka niya.

•Kung may ibibili ka rin lang, ang bilhin mong sapatos ay iyong maganda at totoong type mo. Kadalasan, ang suot mong sapatos ang nagbibigay ng first impression sa bago mong kakilala.

vuukle comment

SHOES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with