^

Punto Mo

Preso sa Kosovo, nilunok ang ipinuslit na cell phone

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MATAGUMPAY na nakuha ng isang surgeon sa Kosovo ang isang cell phone mula sa tiyan ng isang preso roon.

Hindi na kinilala ang 33-anyos na preso, na ilang araw nang dumadaing ng pananakit ng tiyan kaya siya ay in-admit­ na sa Pristina University Hospital.

Matapos suriin ang preso, napag-alaman ng mga doktor na nilulon pala nito ang Nokia 3310 cell phone, ayon kay Skender Telaku na namuno sa medical team na nagsagawa ng operasyon.

Nagawa nilang makuha ang cell phone mula sa tiyan ng preso ng hindi binubuksan ang kanyang katawan sa pamamagitan ng tinatawag na endoscopy.

Kinailangan ng mga doktor na hatiin sa tatlo ang cell phone upang makuha ito mula sa tiyan ng preso

Ayon sa mga doctor, sa battery ng cell phone sila pinaka­nabahala. Naglalaman kasi ito ng mga asido na maaring­ tumunaw­ sa tiyan at bituka. Mabuti na nga lang daw at walang naging komplikasyon matapos ang operasyon at matagumpay nilang nakuha ang cell phone.

Hanggang ngayon, inaalam pa kung paano naipuslit ang cell phone at kung bakit kinailangang lulunin ito ng preso.

 

 

vuukle comment

HOSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with