^

Punto Mo

Nagbayad ng utang ng iba, maari bang mabawi ang ipinambayad?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Umutang po ang kaibigan ko sa aking biyenan. Dahil nahi­hiya po ako sa aking biyenan, ako na muna ang nag-abono sa pagbabayad ng utang niya noong hindi siya makabayad dahil sa kawalan ng trabaho. Hindi po ako nagpaalam sa kaibigan ko bago ko ginawa ito kaya iniisip ko kung maari ko ba siyang habulin para sa halagang ibinayad ko. Baka kasi sabihin niyang wala naman kaming pinirmahang kasunduan at hindi rin naman niya hiniling sa akin na abonohan ko ang utang niya. — Andy

Dear Andy,

Oo, maari mong habulin sa kaibigan mo ang iyong ipinambayad para sa kanyang utang kahit wala kayong napagkasunduan at kahit hindi mo pa naipaalam ang ginawa mong pagbabayad.

Mayroon kasing tinatawag na “quasi-contract” sa pagitan n’yo sa ilalim ng ating batas. Ito ay base sa Article 2142 ng Civil Code kung saan nakasaad na may mabubuong “quasi-contract” mula sa mga aksyong legal at boluntaryo na ginawa ng mag-isa o nang walang pahintulot at paalam sa iba.

Ito ay para hindi magkaroon ng tinatawag na “unjust enrichment” o hindi makatarungang pakikinabang mula sa iba.

Dahil tinanggap naman ng iyong biyenan ang iyong ibinayad para sa utang ng iyong kaibigan, may karapatan kang maghabol para mabawi ito base sa quasi-contract sa pagitan n’yong dalawa.

Hindi naman kasi maaring makinabang ang iyong kaibigan ng hindi niya pinananagutan ang kanyang obligasyon.

Siguraduhin mo lang na may ebidensya kang maipakikita kapag siningil mo na ang iyong kaibigan. Kung may resibo mang ibinigay ang biyenan mo, kailangang malinaw na nakasaad doon hindi lamang ang halagang ibinayad mo sa iyong biyenan kundi pati na rin na ang iyong ibinayad ay para sa utang ng iyong kaibigan.

vuukle comment

WORK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with