^

Punto Mo

Ang ATM sa langit

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

TINIYAK ni Don Franco na maisasama sa hukay ang kanyang pera kapag siya ay namatay. Inilagay niya ito nang detalyado sa kanyang huling habilin. Mumultuhin niya ang abogado kapag hindi sumunod.

Sa kabilang buhay, ang lahat ng kaluluwa ay kailangang maghintay ng ilang araw bago sentensiyahan ni San Pedro—patungong langit ba o impiyerno. Ang lahat ng kaluluwang hindi pa nasisentensiyahan ay nakatigil sa isang lugar na kahalintulad sa mall. Upang hindi mainip ang mga kaluluwa ay bibigyan sila ng pagkakataong mag-malling. Bago pumasok sa mall ay binigyan ng kanya-kanyang ATM ang mga kaluluwa. Iyon daw ang ipambabayad nila sa mga bagay na gusto nilang bilhin o kainin sa department store at restaurant.

Napaismid si Don Franco. Sa loob-loob niya, marami siyang dalang cash ‘noh? No need to use ATM. Magkaganoon pa man ay tinanggap pa rin niya ang ATM na iniabot ng anghel. Uhaw na uhaw si Don Franco at gutom na gutom kaya mineral water at sandwich kaagad ang dinampot niya sa grocery. Nang ibabayad niya ang kanyang pera ay tinanggihan ito ng kaherang anghel. ATM lang ang puwedeng ibayad. Kaya iniabot ng Don ang kanyang ATM. Isinaksak ng anghel ang ATM sa card machine.

“Sorry po, walang nakadeposito sa inyong ATM,” sabi ng anghel.

“Ha? Marami akong naiwang pera sa banko nang nabubuhay pa ako! Nakikita mo itong isang bag na ito? Puno ito ng pera. Saan ba ang banko dito at idedeposito ko ito para magkalaman itong ATM ko?”

“Hindi po pera ang nakadeposito sa ATM. Ang depositong nakalagay sa ATM na ibinigay sa inyo kanina ay ang mga naipong kabutihan na nagawa ninyo sa lupa noong nabubuhay pa kayo.”

Walang nagawa si Don Franco kundi isauli ang tubig at sandwich. Ngayon alam na niya kung paano ang mauhaw at magutom kagaya ng mga taong humingi sa kanya ng pagkain pero hindi niya tinapunan man lang ng kahit isang butil na kanin. 

vuukle comment

ATM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with