^

Punto Mo

Paano kung ayaw makipag-ayos ng isang partido sa barangay?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

May magagawa po ba ang barangay namin para mapigilan ang pagsasampa ng kaso sa korte laban sa akin? Gusto ko na po kasing makipag-ayos ukol sa naging away namin ng kapitbahay ko at nagpresenta rin ako ng pruweba na hindi ko naman sinasadya ang pangyayari pero hindi naman po ito pinansin ng kapitbahay ko at sinabing sa korte na lang daw kami magkita. Puwede po ba iyon kung handa namang makipag-ayos ang isang panig?—Maritess

Dear Maritess,

Ang layunin ng barangay conciliation ay para pagkasunduin ang dalawang partido upang hindi na maging kaso ang kanilang alitan at nang hindi na sila parehong maabala sa matagal at magastos na proseso sa mga korte.

Ngunit hindi ibig sabihin nito ay may kapangyarihan ang barangay para pilitin ang mga partido na magkasundo. Ayon sa Supreme Court sa kaso ng Pang-et vs. Manacneng-Dao-As (G.R. No. 167261, 2 March 2007), kung magkakaayos man ang mga partido sa harap ng barangay, ito’y boluntaryo dapat at bukal sa kalooban ng parehong panig. Kung sa huli ay wala silang mapagkasunduan, malaya ang mga partido na dumulog sa korte at magsampa ng kaso.

Dagdag pa ng Korte Suprema, ang tanging compulsory o sapilitan sa ilalim ng Katarunang Pambarangay Law ay ang paghaharap ng mga partido sa barangay at ang pag-iisyu ng barangay ng sertipikasyon na walang napagkasunduan ang dalawang panig kaya maari na silang magsampa ng kaso.

Base sa nabanggit, walang magagawa ang barangay ninyo para mapigilan ang kapitbahay mo na magsampa ng kaso. Kung nakapag-isyu na ng kaukulang sertipikasyon na kailangan para sa pagsasampa ng kaso, karapatan na niya ito lalo na’t pareho na naman kayong humarap sa barangay. Paghandaan mo na lang ang demanda at bibigyan pa naman kayo ng pagkakataon ng judge para magkasundo. Iyon nga lang, depende sa isasampang reklamo ng iyong kapitbahay, maaring kakailanganin mo na ang serbisyo ng isang abogado para sa mga magiging pagdinig ng inyong kaso.

vuukle comment

BARANGAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with