^

Punto Mo

Magkapatid sa India, nakaligtas sa leopard dahil sa birthday cake!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HINDI akalain ng dalawang magkapatid sa India na ang binili nilang birthday cake ang magliligtas sa kanila sa mabangis na leopard.

Kuwento ng magkapatid na Firoz at Sabir Mansuri, umalis sila ng bahay para bumili ng mga ihahanda para sa isang birthday celebration.

Magkaangkas sila sa motorsiklo.

Matapos bumili ng birthday cake, umuwi na ang magkapatid. Mabagal ang pagpapatakbo nila habang binabagtas ang mabatong daan patungo sa kanilang bahay sa Madyha Pradesh.

Nang biglang lumitaw ang leopard sa kanilang dadaanan. Nanggaling ito sa taniman ng tubo.

Dahil mabagal ang kanilang pagpapatakbo, inabutan sila ng leopard.

Kinalmot nito ang nakaangkas na si Sabir na noon ay hawak ang birthday cake. Nakailag si Sabir sa kalmot ng leopard.

Muling sumalakay ang leopard at sa pagkakataong iyon, napagtanto ng magkapatid na kailangan na nilang mamili: ang cake o ang kanilang mga buhay.

Nagpasya si Sabir na ihampas ang kahon sa leopard na tina­maan sa ulo.

Nagulat ang leopard nang tumama sa kanya ang kahon ng cake kaya kumaripas ito ng takbo palayo.

Isinumbong ng magkapatid sa mga pulis ang nang­yari. Hindi naniwala noong una ang mga pulis pero nang makita ang bakas ng leopard sa pinangyarihan ng insidente saka lamang nakumbinsi ang mga ito.

Ang pagsalakay sa magkapatid Mansuri ay isa lamang sa mga sunud-sunod na pagsalakay ng mga leopard sa Madyha Pradesh sa mga nakaraang buwan.

Dumami ang mga leopard matapos ideklarang endangered.

Dahil sa isinagawang conservation efforts upang maisalba ang lahi noong 2014 hanggang 2018, dumami ng 60% ang dami ng leopard sa lugar.

 

 

vuukle comment

INDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with