^

Punto Mo

Kalamidad, emergencies sa gitna ng pandemya paghandaan na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ngayon palang dapat marahil na mapaghandaan ng mga ahensya ng pamahalaan partikular ng National Disaster Risk Reduction and Management Council  (NDRRMC) at iba pang tanggapan ang mga dapat na ipatupad na hakbang sa pagharap sa mga disasters at emergency.

Kakaiba kasi sa panahong ito lalo na nga’t nasa gitna pa ang bansa sa paglaban sa pandemya sa COVID.

Bukod sa naging kaganapan sa pagputok ng bulkang Taal, nandyan pa ang pagpasok  ng tag-ulan at inaaasahang mga bagyo, dapat may nakalatag nang plano para dito.

Partikular sa  mga evacuation center kung saan nga ilalagak ang mga kababayan nating maaaring maapektuhan.

Ngayon pa nga lang eh malaking hamon na ang  paglilikas sa mga residente sa Batangas, dahil sa pag-aalburoto ngTaal.

Sa dami nang dapat ilikas, parang hindi nakakasapat ang mga evacuation center na limitado lamang ang maaaring makanlong dahil kailangang pairalin ang social distancing.

Kaya marami sa ating mga kababayan , ang napipilitan na huwag na lang umalis sa kanilang bahay.

Kasi nga ang katwiran nila mas nakakatakot ang pagsisiksikan sa evacuation center  na may malaking panganib para sila mahawa ng COVID. Mas takot sila sa COVID , kaysa sa bulkan.

Kung magkakasunud-sunod pa ang papasok ng bagyo sa bansa at malakas na pag-ulan, nandyan at makakakasabay-sabay malamang ang paglilikas, na dadagdag sa kasalukuyang problema kaya kailangan talaga itong mapaghandaan.

Dapat malinaw din ang mga paiiraling protocol sa mga evacuation center para naman maiwasan ang paglobo ng hawaan sa COVID.

Ngayon pa nga lang nagbabala na ang DOH, sa posibleng pagsirit ng kaso , lalu pa nga’t may binabanbatayan na namang mga variant ng COVID.

Sana naman ay ngayon pa lang may pagkilos nang gawin ang mga concerned agencies at nang hindi sila mabulaga sakaling may kalamidad at emergencies na mangyari para  walang pagsisihan sa huli.

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with