^

Punto Mo

Isang toneladang ebak ng baka,ninakaw sa India

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG malawakang manhunt ang isinasagawa ngayon sa India matapos nakawin ng isang gang ang tinatayang isang toneladang tae ng baka mula sa isang maliit na bayan doon.

Ayon sa mga pulis, gabi nang sinalakay ng mga magnanakaw ang storage facility ng Dhurena village kung saan nakaimbak ang mga tae ng baka na iniipon ng bayan.

Tinatayang nasa 1,600 rupees (katumbas ng P1,000) ang halaga ng isang toneladang tae ng baka na ninakaw ng mga kawatan.

Ginagamit ang tae ng baka na sangkap sa pataba ng lupa. Mabenta rin ito sa India lalo’t nauuso na rin doon ngayon ang organic farming o pagsasaka na hindi gumagamit ng mga kemikal.

Inaalam pa rin ng mga pulis kung papaanong mabilis na naitakbo ng mga salarin ang isang toneladang tae ng baka.

vuukle comment

INDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with