^

Punto Mo

Modus sa gitna ng pandemya!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Kahit talaga sa gitna ng matinding pandemya, hindi pa rin maaalis na may mga dorobo talaga na gumagawa ng modus at mga katiwalian.

Sa kasagsagan ng vaccination program ng pamahalaan na ipinamahala na sa mga local gov’t units (LGU), hindi nga ba’t umusbong ang ilang raket ng mga tiwali.

Nauna nang nabunyag ang pagbebenta ng slot sa bakuna sa ilang lungsod, meron na ring sinampahan ng reklamo dahil dito.

Ito ay ‘yung mabibigyan ka ng slot sa pagbabakuna kapalit ng malaking halaga.

Pati mabilis na pag-iiskedyul ng pagbabakuna, sinasabing ibinebenta na rin ng ilang tiwali.

At eto pa ang pinaka-klasik mismong bakuna na ang ibinebenta.

Hindi nga ba’t tatlo katao ang naaresto ng NBI, kabilang dito ang isang registered nurse na naaktuhang nagbebenta ng may 300 doses ng bakuna na milyon ang halaga.

Mga Chinese national umano ang parukyano ng mga ito.

Pero ang malaking tanong saan galing ang ibinibenteng Sinovac vaccine ng mga ito.

Komo nga nurse  sa isang ospital sa Maynila ang isa sa nadakip, nauna nang nilinaw ng Manila LGU na hindi sa kanilang pasilidad galing ang ibinebentang bakuna.

Eh saan nga ba ito kinuha, gayung ang mga dumarating na bakuna eh ang nasyunal gov’t pa ang namamahala at namamahagi sa mga LGU.

Maaaring malaki ang maging epekto nito sa programa ng pamahalaan sa bakuna, mistulang pamahalaan at mga nangangailangang indibiduwal ang ninakawan ng mga ito.

Dapat na agad na matukoy kung saang pasilidad kinuha ng mga nadakip na suspect ang ibinebentang bakuna.

Madali naman daw itong ma-trace ayon sa Food and Drug Administration (FDA) sa pamamagitan ng pag-check sa lot number o batch codes ng bakuna. Kung hindi ito naka-register malinaw na iligal na ipinasok ito sa bansa.

Talaga yatang may mga taong iisip at iisip ng paraan makalamang lang sa kapwa, kahit pa nga sa gitna ng nilalabanang pandemya hindi lang sa Pinas kundi sa buong mundo.

Ayon nga kay PNP chief General Guillermo Eleazar mananagot ang mga taong nagbebenta ng bakuna, gayundin ang mga taong bumibili nito.

Dapat ding agad na masilip pa kung sinu-sino ang mga taong sangkot sa ganitong iregularidad at kung bakit ang lalakas ng loob ng mga ito. Dapat sa mga ito mabigat na parusa dapat ang ipataw dahil iba ang sitwasyon sa kasalukuyan kung saan nasa gitna tayo ng krisis dahil sa pandemic.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

LGU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with