^

Punto Mo

‘I have a dream…’

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

MAGKAKASAMA sa isang komunidad ang Black at white Americans pero magkahiwalay sila sa lahat ng bagay — iba ang eskuwelahan ng maiitim kaysa mapuputi; sa likod ng bus uupo ang maiitim samantalang okupado ng mapuputi ang unahan. Puwedeng umupo sa gitna ang maiitim pero iyon ay kung lahat ng mapuputi ay nakaupo na. Ang tawag sa sistemang ito ay “segregation”.

Kung halimbawa at nakaupo na ang maitim sa gitna at biglang may sumakay na puti ngunit ubos na ang upuan nakalaan sa kanila, kailangang ibigay ng maitim ang kanyang upuan sa maputi. Ang kawawang maitim ay tatayo na lang sa bus.

Isang araw ng December 1955 sa Montgomery, Alabama. Mula sa pabrikang pinapasukan, si Rosa Parks na isang Black American, ay sumakay sa bus pauwi sa kanyang bahay. Puno na ang huling bahagi ng bus kaya sa gitna siya umupo. Wala nang upuan sa bus nang may isang Puti na sumakay. Base sa regulasyon, kailangang tumayo si Rosa upang ibigay ang upuan sa Puting pasahero pero hindi niya iyon ginawa dahil pagod na pagod na siya.

Sinigawan siya ng drayber. Nagmatigas si Rosa kaya tumawag ang drayber ng pulis at siya’y ikinulong. Ito ang simula para ang isang 26-anyos na ministro ng simbahan, si Martin Luther King Jr. ay bumuo ng isang grupo na ang layunin ay manawagan sa kinauukulan tungkol sa equal rights sa paggamit ng pampublikong sasakyan.

Bilang protesta, ibinoykot nila ang lahat ng bus sa Montgomery. Hindi sila nag-iingay sa kalye, sa halip ay hinikayat nila ang lahat ng mga Itim na huwag sumakay sa bus. Dahil dito humina ang kita ng mga kompanya ng bus.

Ang non-violent protest ay nagtagumpay dahil iniutos ng Supreme Court sa lahat ng kompanya ng bus sa Montgomery na tanggalin ang segregation sa bus. Iyon ang naging simula hanggang noong 1964, ang mga Itim ay pinagkalooban ng equal rights na kagaya ng sa mga Puti.

Ayon sa speech ni Martin: “I have a dream that my four children will one day live in a nation where they will not be judged by the color of their skin but the content of their character.”

vuukle comment

AMERICAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with