^

Punto Mo

Tagapagligtas

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ANG babae ay nagpapalipas ng oras sa convenient store. Umorder siya ng pagkain para hindi naman nakakahiyang tumambay doon nang walang binibili. Nagpapalipas siya ng sama ng loob dahil nag-away silang mag-asawa. Lumaki ang away dahil kumampi sa kanyang asawa ang biyenan niyang babae na nakikitira sa kanila.

Habang kumakain ay may dumaang libing sa harapan ng convenient store. Daanan ng naglilibing ang kalsadang iyon dahil ito ang daan patungong sementeryo. Dalawa ang patay na nakasakay sa magkahiwalay na karo. Nakasunod sa dalawang karo ay naglalakad na babaeng nakaitim hawak ang tali ng kasamang aso. Sa likuran ng babae ay nasa higit-kumulang na 100 babaeng nakahanay nang single file. Saglit na tumigil ang libing dahil ma-traffic.

Lumabas ang babae mula sa convenient store para usisain ang nakaitim na babae. Sobra siyang naintriga sa sitwasyon ng libing.

“Condolence po mam. Ngayon lang po ako nakakita ng ganitong klaseng libing  na napakaayos dahil nakahanay pang isa-isa ang mga taong nakikilibing. Pati aso kasama pa sa nakikipaglibing. Kaano-ano po ninyo ang mga namatay?”

“Yung nasa unahang karo, mister ko. Nahulog siya sa balkonahe ng condo na nasa 8th floor matapos siyang dambahin ng aking aso nang nakita nitong sinasakal ako at akmang ihuhulog sa balkonahe. ”

“ Sino po ang nasa ikalawang karo?”

“Biyenan ko. Nabagok naman ang ulo sa sahig matapos dambahin ito ng aso dahil nakitang sinabunutan ako at pinagsasampal pagkatapos mahulog ang anak niya sa balkonahe.”

Saglit na nag-isip, saka may ipinakiusap sa babaeng nakaitim: “Mam puwedeng hiramin ang aso mo?”

“Okey lang, pero pumila ka muna” sabay turo sa mga babaeng nasa kanyang likuran at nakahanay nang isa-isa.

vuukle comment

BIYENAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with