^

Punto Mo

West Virginia, mamimigay ng baril at truck para sa mga magpapabakuna laban sa COVID-19

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

UPANG maengganyo ang mga taga-West Virginia na magpabakuna laban sa COVID-19 ay inanunsyo ng gobernador doon na magkakaroon ng papremyo para sa mga nabakunahan na.

Inanunsyo ni West Virginia Governor Jim Justice na nasa dalawang truck, limang hunting rifles, at limang hunting shotguns ang maaring mapanalunan ng mga nasa listahan ng mga nabakunahan na ng COVID-19 vaccine.

Bukod sa mga baril at truck, maari ring manalo ng $1.5 million ang mga nakapagpabakuna na.

Mamimigay rin ng scholarship plan at libreng weekend getaway para sa mga suwer­teng mabubunot.

Isa lamang ang West Virginia sa mga states sa Estados Unidos na nagsasagawa ng programa para mahikayat ang kanilang mga mamayan na magpabakuna laban sa COVID-19.

Nakatakdang magpa-raffle ang West Virginia  sa mga nabakunahan mula Hunyo 20 hanggang Agosto 4, 2021.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with