^

Punto Mo

Babaing tinedyer sa California, nakipaglaban sa oso para mailigtas mga alaga niyang aso

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAKUNAN ng CCTV ang isang babaing tinedyer sa California na nakipaglaban sa isang inahing oso upang mailigtas ang mga alaga nilang aso.

Ang tinedyer ay si Hailey Morinico ng San Gabriel Valley, California. Ayon kay Hailey, nagulat siya dahil sobra ang pagkabalisa ng kanilang tatlong alagang aso. Tahol nang tahol ang mga ito sa bakuran.

Nang tingnan ni Hailey, nakita niya na umakyat sa bakod ang isang inahing oso at ang mga anak nito kaya tinatahulan ng kanyang mga aso.

Mabilis na kumilos si Hailey at nakipaglaban siya sa oso para maprotektahan ang kanyang mga aso. Tiyak niyang walang kalaban-laban ang kanyang mga alaga.

Buong lakas na naitulak ni Hailey ang oso kaya nahulog ito sa bakod. Nagsunuran ang mga anak ng oso sa kanilang ina. Hanggang sa mawala na ang mga ito.

Dali-dali namang tumakbo si Hailey at kanyang mga alaga papasok ng kanilang bahay.

Nagtamo si Hailey ng galos sa braso. Nagpapasalamat siya dahil iyon lang ang tinamo niya sa pakikipaglaban sa oso. Hindi niya malilimutan ang karanasan. Hindi naman nabatid kung saan nagpunta ang nakalaban niyang inahing oso.

 

vuukle comment

CALIFORNIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with