^

Punto Mo

Estudyante sa london, nakaimbento ng ‘third eye’ para makaiwas sa disgrasya habang gumagamit ng smartphone!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MALAKING bahagi na ng ating buhay ang paggamit ng smartphone. Karamihan ay ilang oras na kaharap ito para sa pag-aaral, pagtatrabaho o libangan.

Ang iba pa nga ay walang tigil sa paggamit nito kahit naglalakad sa kalye o nagmamaneho na nagiging dahilan naman ng disgrasya.

Kaya nakaimbento ang engineering student ng London’s Royal College of Art and Imperial College na si Minwook Paeng ng isang robotic third eye na ikinakabit sa noo upang maging ikatlong mata kapag nakatungo at abalang gumagamit ng smartphone habang naglalakad sa kalye.

Sa loob ng robotic third eye ay meron itong maliit na speaker, gyroscope sensor at sonar sensor. Nade-detect ng gyroscope sensor na nakatungo ang gumagamit nito at bubukas ang sonar nito upang i-monitor kung may nakaharang sa dadaanan.

Kapag may na-detect na nakaharang, tutunog ang speaker nito upang maging babala sa may suot.

Ayon kay Minwook, naimbento niya ang gadget na ito dahil nakikita niya na kakailanganin ito ng mga susunod na henerasyon na maaaring tawagin na “phono sapiens’’ o henerasyon na nakasalalay na ang buhay sa paggamit ng smartphones.

vuukle comment

SMARTPHONE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with