^

Punto Mo

‘Childlike faith’

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

HABANG lumilipad ang eroplano mula sa New York patungong London, biglang pumailanlang ang kalmadong boses ng stewardess na nagsasabing dapat na manatili sa kanilang upuan ang mga pasahero.

Saglit na huminto sa pagsasalita ang stewardess. Pero mu-ling nagsalita sa kalmado niyang boses:

“We are expecting a little turbulence. Please be sure that your seatbelt is fastened. We will not be serving beverages until further notice.”

Narinig ng mga pasahero ang kulog kasabay ang ungol ng makina ng eroplano. Mula sa bintana ng eroplano ay kitang-kita nila ang nagngangalit na ulan at matatalim na kidlat. Paminsan-minsan ay madadama nila ang tila pag-alog ng eroplano na nagdudulot ng nerbiyos sa mga pasahero.

Ipinayo ng stewardess na ibaba nila ang takip ng bintana upang ang view sa labas ay  hindi na  makadagdag sa alalahanin ng mga pasahero.

Maya-maya ay nagsalita muli ang stewardess:

“Unfortunately, we all have to be patient for the storm to be over, before we can be able to serve the meal.”

Isang matandang babae ang nerbiyos na nerbiyos sa mga nangyayari. Hindi nito maiwasang mag-isip na baka tamaan ng kidlat ang eroplano at ito ang maging sanhi ng pagbagsak nito.

Palibhasa ay abala ang isip niya sa kung anu-anong nakakatakot na senaryo kaya saka lang niya napansin ang katabi niyang batang babae na relaks na relaks sa pagkakaupo habang nagbabasa ng magazine. Napansin ng bata ang pag-aalala ng katabing matanda.

Ngumiti ang bata sa katabing matanda. “Huwag po kayong matakot Madam.”

“Paano ako hindi mag-aalala, eh, nasa gitna ng daluyong itong eroplanong sinasakyan natin. Hindi ka ba natatakot na baka bumagsak itong eroplano?”

“Naku, hindi po ito babagsak. Kasi po ang piloto po ng eroplanong ito ay ang aking Daddy. Sigurado pong makakarating tayo sa London na ligtas at masaya. Birthday po ng aking Mommy, two days from now, at hinihintay po niya kami para sabay-sabay naming ipagdiwang ang kanyang kaarawan.”

“Faith in God is like the faith of a child that doesn’t demand explanations, but knows that everything will be okay, simply because Daddy is there.” – Ginger Harrington

vuukle comment

FAITH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with