^

Punto Mo

Lalaki, naka-perpektong puntos sa bowling competition, gamit ang bola na may abo ng kanyang yumaong ama!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 39-anyos na da-ting university bowling champion mula sa Illinois ang nagbigay pugay sa kanyang yumaong ama matapos siyang makakuha ng 300 puntos sa isang bowling competition gamit ang bola na may abo ng kanyang ama!

Si John Hinkle ay two-time NCAA bowling champion ng Western Illinois University at ayon sa kanya, ang ama niyang si John Hinkle Sr. ang nagturo sa kanya kung paano maglaro ng bowling noong siya ay bata pa. Simula noon, naging seryoso na siya sa sports na ito at nang tumuntong siya sa kolehiyo, naging varsity siya ng bow-ling team ng kanyang unibersidad.

Gamit ang tinatawag na two-handed bowling technique, naging posible ang paglalagay ng abo ng kanyang ama sa bowling ball. Ang technique kasi na ito ay ang paggamit lamang ng dalawang daliri sa bola, imbis sa nakagawiang tatlo. Sa thumb hole inilagay ang abo ni Hinkle Sr. na yumao noong 2016.

Naganap ang kompetisyon sa Landmark Lanes sa Peoria noong April 12, 2021. Hindi ito ang unang beses na nakaperpektong 300 puntos si Hinkle pero para sa kanya, ito ang pinakamakabuluhan niyang panalo dahil kahit kailan, hindi nakaranas makakuha ng 300 points si Hinkle Sr.

Pakiramdam daw ni Hinkle, kasama niyang maglaro ang kanyang ama.

 

vuukle comment

BOWLING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with