^

Punto Mo

EDITORYAL - Ipursigi, body cameras sa pag-sisilbi ng warrants

Pang-masa
EDITORYAL - Ipursigi, body cameras sa pag-sisilbi ng warrants

SIYAM na aktibista sa Calabarzon ang napatay ng mga pulis habang sinisilbihan ng warrants noong nakaraang Marso 7. Sabi ng mga pulis, nanlaban ang mga sinisilbihan nila ng warrants kaya napatay ang mga ito. Sabi naman ng mga kaanak ng mga napatay, hindi nanlaban ang mga biktima at sapilitang kinuha ng mga pulis at saka pinagbabaril. Ayon pa sa mga kaanak ng siyam na biktima, biglang pumasok sa bahay ang mga pulis. Iginiit ng mga pulis na lehi­timo ang kanilang operasyon.

Sino ang nagsasabi ng totoo? Mahirap magbigay ng konklusyon sapagkat bawat isa ay nagsasabing sila ang tama. Wala naman silang ebidensiya.

Ang tanging solusyon ay ang pagkakaroon ng body cameras na makakapagrekord ng mga nangyari. At nararapat na magkaroon nito ang mga pulis na magsisilbi ng warrants. Ito ang pinakamatibay na ebidensiya sa sandaling magkaroon ng kontrobersiya.

Sinabi ni Evalyn Ursua, isa sa mga abogado ng 37 Anti-Terrorism Act of 2020 (ATA) petitions at humi­ling sa Supreme Court na magkaroon ng body cameras­ ang mga magsisilbi ng warrants upang maiwasan ang mga akusasyon na “nanlaban” o extrajudicial killings. Ayon kay Ursua, maiiwasan ang mga hindi kapani-paniwalang kuwento kung mayroong body cameras. Kung may body cams, hindi na magre-rely lamang sa testimonya ng law enforcers sapagkat mayroon nang ebidensiya.

Sabi ng Supreme Court, kinukunsidera nila ang body cameras sa pagsisilbi ng warrants. Isang resolusyon umano ang ida-draft para rito.

Hindi lamang sa pagsisilbi ng warrants, mahalaga rin ang body cameras sa drug operations ng mga pulis. Nakapagtataka lamang kung bakit hanggang ngayon wala pa ring body cameras ang mga pulis sa drug raid. Hanggang ngayon nakapending ang Body Camera Act.

Ang panukalang Body Camera ay inakda makaraan ang brutal na pagpatay ng mga pulis sa 17-anyos na si Kian delos Santos noong 2017 sa Caloocan City. Pinatay ng mga pulis si Kian maski nakaluhod na ito at nagmamakaawa. Ang brutal na pagpatay ng tatlong pulis ay nakunan ng CCTV at pinatunayan naman ng ilang witness. Nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ang tatlong pulis na pumatay kay Kian.

Mahalaga ang body cameras sapagkat ito ang magpapatunay ng mga totoong nangyari. Isulong na ito.

 

vuukle comment

BODY CAMERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with