^

Punto Mo

Gitara

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

BINALIKAN ng babae ang kanyang gitara na naiwan niya sa bahay ng abusado niyang  live-in partner. Isang linggo na ang nakararaan nang layasan niya ang live-in partner na mahilig mang-umbag. Nang tanungin niya kung nasaan ang kanyang gitara, buong kahambugan na sinabing ibinenta niya ito sa tindahan ng musical instrument na nagba-buy and sell ng second hand musical instrument.

Hudas talaga ang lalaking iyon. Palibhasa ay alam na mahal na mahal niya ang gitarang iniregalo ng kanyang amang matagal nang pumanaw. Alam ng hudas kung paano durugin ang kanyang emosyon. Hindi na nakuntento sa pananakit nang pisikal.

Alam niya ang tindahang tinutukoy dahil doon niya ipinaayos ang kanyang gitara noong minsang nagkaroon ng sira. Humahangos siyang nagtungo sa tindahan. Pero napaiyak siya nang sabihin ng may-ari ng tindahan na may bumili na dito, isang araw lang ang nakakaraan.

“Alam po ninyo kung taga-saan ang nakabili?”

Binuklat ng may-ari ang carbon copy ng resibong ibinigay niya sa customer. Buti na lang at kumpleto ang impormasyon. Naroon pati ang telepono nito. Lalaki ang nakabili ng kanyang gitara. Malapit lang sa kinaroroon niya ang nakasulat na address. Puwedeng magtraysikel na lang.

Para namang sinadya ng tadhana, naabutan niyang tumutugtog ng gitara ang isang lalaki sa azotea. Mula sa gate ng bahay na kinatatayuan niya, nakilala agad niya ang gitarang ginagamit nito.

Nagpakilala siya sa lalaki. Sinabi niyang siya ang orihinal na may-ari ng gitara. Ibinenta ito nang wala siyang pahintulot. Mabuti na lang at mabait ang lalaki. Naunawaan kaagad siya.

“Kumakanta ka ba?”

“Oo pero hindi masyadong magaling.”

“Okey, isasauli ko sa iyo ang gitara mo nang hindi mo na kailangang bayaran ako pero kantahan mo muna ako habang tinutugtog mo ang gitara.”

Habang tumutugtog siya, ang lalaki ay naglabas ng pangalawang gitara. Sinabayan siya ng pagtugtog at pagkanta. Iyon ang simula. Ngayong araw ay ipinagdiriwang nila ang kanilang 10th wedding anniversary.

(Itutuloy)

vuukle comment

LIVE IN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with