^

Punto Mo

Supermarkets, bantayan din sa price cap

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Patuloy pa rin ang isinasagawang  ‘pork holiday’ ng ilang  meat vendors sa Metro Manila.

Ito ay sa kabila na nagdadatingan na ang mga baboy buhat sa malalayong lalawigan na hindi naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) na ibinabagsak sa mga pamilihan para ibenta sa ilalim ng price ceiling.

Ilang araw  ring hindi nakakapagtinda ang maraming meat vendors, na ang inaalala nga eh ang renta nila sa pwesto.

Mabuti  at sa Quezon City na-waive na ng pamahalaang lungsod ang renta sa upa  sa mga pampublikong pamilihan at hinikayat na rin nila ang mga private market na ganon din ang gawin para matulungan ang mga vendors .

Pero sa lahat ng ito, kailangan pa rin naman na sumunod sa kautusan sa price cap ng pamahalaan ang mga vendor.

May ilan kasi na nakakapagtinda na nga , pero hindi naman tumutugon o sumusunod sa kautusan,  meron pa rin silang sariling presyo.

Dapat talaga itong matutukan.

Kung mahigpit ang isinasagawang pagbabantay sa mga palengke ,  dapat din  na mas lalong higpitan ang  pagbabantay sa mga supermarket.

May ilan na nagsasabi na hindi sila kasama sa price ceiling, aba naman parang may exemptions sa ipinatutupad na patakaran.

Dapat  din itong habulin at bantayan dahil , ito ang talagang tumitiba sa presyuhan.

Dapat kasi may masampolan sa mga ito, at ‘wag na  ang mata ng mga  pagbabantay eh nakatutok lang kadalasan  sa maliliit na vendors sa mga palengke habang ang mga supermarket ay hindi namomonitor kaya madalas na nakakalusot.  

Kung sinasabi ng gobyerno na may nananamantala kaya tumaas ng ganun ang presyo ng baboy at manok , aba’y ito ang unang kalusin dahil sila ang nagdadagdag ng pahirap sa ibaba. Tukuyin na ang mga ito at kasuhan, dyan magkakaalaman kung sino ang may political will na opisyal ng pamahalaan na walang kikilingan.

vuukle comment

MEAT VENDORS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with