^

Punto Mo

Child Car Seat Law!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Kahapon dapat ang simula ng full implementation ng Child Car Seat Law, pero ipinagpaliban muna ito ng DOTr at ng LTO.

Isa sa idinahilan  rito ay ang kasalukuyang sitwasyon ng bansa na nasa gitna pa ng COVID pandemic.

Nais din nilang magkaroon ng transitory period  bago mai-patupad ang lahat ng itinatadhana ng batas.

Kamakalawa kasi nang sabihin ura-urada na kinabukasan na (Peb. 2) ang full implementation nito, kaya ayun,  suguran agad para bumili ng ‘child car seat’ ang marami para sa kanilang mga sasakyan.

Ipinapartikular dito ang mga pribadong sasakyan na may malilit na anak.

Sa ilalim kasi ng batas, bawal maupo sa harapang upuan ng mga sasakyan ang 12-anyos pababa at kailangan ng car child seat sa likuran.

Nalinaw na rin na kung malaki o mataas ang bata na hindi na angkop  sa child seat pwedeng gamitin ang ordinaryong seat belt ng sasakyan pero bawal pa rin sa harapan.

Hindi nga ba’t umani nang sangklaterbang batikos ang naging pahayag kamakalawa ni LTO Metro Manila chief Clarence Guinto na sa pamilya na may malalaki o matataas na anak ay kailangang kumuha na ng mas malaking sasakyan.

Naku po, eh malaki pala ang magagastos sa batas na ito, imbes na child car seat eh mapipilitan ka pang palitan ang ‘yong sasakyan ng mas malaki.

Humingi naman agad siya nang paumanhin sa kalituhan na dinulot nito sa mga pribadong motorista.

Tama nga lang na ipagpaliban muna ito bagamat maganda ang layunin ng batas para sa kapakanan ng mga paslit sa panganib sa mga lansangan.

Lalu pa nga sa mga lansangan sa bansa partiklular sa Metro Manila kung saan talagang maraming kaskasero at pasaway sa disiplina sa kalsada.

Sa ibang bansa kasi, talagang mandatory ito lalu na sa mga pamilya na may paslit, kaligtasan naman kasi ang nakasalalay dito.

Gayunman, dapat na mabigyan muna ng sapat na impormasyon ang mga concern na motorista. Kailangan marahil na ma-orient muna sila para hindi nagkakaroon ng kalituhan.

Kasi naman bagamat matagal nang naging batas, mukhang natulog ito at hindi nabigyan ng karampatang impormasyon ang publiko tungkol dito. Kahit pa sana ilang buwan o linggo bago ang itinakda nilang full implemetation.

Sa ngayon tamang wala munang mangyaring hulihan kundi paalala na muna ang kanilang iparating sa mga kinauukulan.

Marahil eh madalang pa rin naman ang maglalabas ng mga bata na isasakay sa mga sasakyan dahil nga sa pandemya at kabilang pa rin ito sa ipinagbabawal na edad na lumabas ng bahay.

Kalaunan kailangan pa rin itong mapaimplementa para maproteksyiyunan ng mga bata sa mapanganib na lansangan.

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with