^

Punto Mo

EDITORYAL - Perwisyo ang trapik sa Pilipinas

Pang-masa
EDITORYAL - Perwisyo ang trapik sa Pilipinas

SA 2020 Numbeo Report ukol sa sitwasyon ng trapik sa Pilipinas, lumabas na nangunguna ito sa mga bansa sa Asya na may pinaka-worst na trapik. Pumapangalawa sa Pilipinas ang Indonesia na sinundan ng Thailand, Malaysia, Singapore at Vietnam.

Sa buong mundo, pangsiyam ang Pilipinas sa may malalang trapik. Nasa top ang Nigeria na sinundan ng Sri Lanka, Kenya, Bangladesh, Egypt, Iran, Peru, India, Pilipinas at Colombia.

Wala nang bago sa report na ito sapagkat talaga namang malala ang trapik sa mga malalaking kalsada sa Metro Manila partikular na sa EDSA na inaabot ng tatlo hanggang apat na oras ang biyahe mula Monumento hanggang Taft Avenue. Usad pagong ang mga sasakyan kaya maraming empleyado, estudyante ang hindi nakararating sa takdang oras. Hindi naman maaasahan ang LRT at MRT sapagkat madalas namang masira. Halos araw-araw ay buhul-buhol ang trapik sa maraming lansangan sa Metro Manila. Naranasan lamang ang maluwag na trapik sa panahon ng lockdown dahil sa COVID-19 subalit ngayon ay nararanasan na naman ang trapik.

Noong nakaraang taon, lumabas sa pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA), na P5.4 bilyon araw-araw ang nawawala sa Pilipinas dahil sa matinding trapik sa Metro Manila. Taun-taon ay nagsasagawa ng pag-aaral ang JICA at lagi nang malaking pera ang nasasayang sa bansa dahil sa trapik.Nakapanghihinayang ang bilyones na sana ay nagastos na lang sa mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan kagaya ng pagpapaospital o pagpapagamot. Malaking tulong sa mahihirap ang perang nasayang sa trapik.

Maraming isinagawang pagbabago ang Department of Transportation (DOTr) sa EDSA para mapaluwag ang trapik. Lahat nang bus ay inilagay sa kaliwang lane at doon nagsasakay at nagbababa. Hindi na na-kagagambala sa mga pribadong sasakyan na inilipat naman sa kanang lane. Ginawa ang plano noong lockdown sa Metro Manila at nakikitaan naman ng positibong resulta. Marami pa umanong pagbabagong isasagawa kagaya nang pagsasara ng U-Turn slots.

Sa aming palagay, makatutulong din sa pagpapaluwag ng trapik ang pag-aalis sa mga obstruction sa kalsada gaya ng mga naka-park na sasakyan, vendors at iba pa. Mahalaga rin ang pagkakaroon ng alternate route katulad ng Skyway 3 na nagdudugtong sa NLEX at SLEX. Kapag nagawa ang mga ito, hindi na magiging perwisyo ang trapik sa bansa.

 

vuukle comment

PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with