^

Punto Mo

Hindi ako susuko (93)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NA-CHALLENGE si Hillary at akmang hahalikan nga si Reagan pero pinigil siya ng binata.

“Ooops baka maeskandalo tayo rito. Baka masayang ang pagsisikap ko na mara-ting ang puwestong ito.’’

Nagtawa si Hillary.

“Akala mo hindi ko gagawin ha? Hahalikan talaga kita!’’

“Hindi ka na mabiro.’’

“Puro ka kasi biro, Reagan.’’

“Ganyan talaga ako Hil-lary. Masanay ka na sa akin.’’
‘‘Nakakainis ka Reagan. Matagal na akong naiinis sa’yo.’’

Nagtawa lang si Reagan.

“Huwag ka nang mainis. Papangit ka, sige ka.’’

Umirap si Hillary.

“Yang inis mo e bawiin mo na lang mamaya sa pagdadalhan ko sa iyo sa seafood restaurant. Di ba type na type mo ang malalaking hipon,  oyster at talangka? Lalo na kapag sinawsaw sa maanghang na suka.’’

Ngumiti si Hillary.

“Sige na nga. Anong oras tayo aalis?’’

‘‘After office. Ihanda mo ang sarili, Hillary.’’

“Oo.’’

EKSAKTONG alas singko ay umalis na sila ng opis. Nagtaxi sila patungo sa sikat na seafood restaurant.

Tamang-tama ang dating nila. Nagsisimula pa lang dumating ang mga customer. Masarap kasi ang luto sa nasabing restaurant.

Pinili nila ang table na nasa tabing bintana. Mula roon ay tanaw ang dagat.

Umorder na si Reagan. Malalaking sugpo, alimasag at tahong na nasa bilao ang inorder niya. ‘Yun ang specialty ng restaurant. Mabango ang sukang sawsawan. Ang kanin ay nasa palayok. Umorder pa ng sinigang na bangus si Reagan para may mainit na sabaw na hinihigop.

“Kain na Hillary. Ibuhos mo diyan ang inis sa akin.’’

Kumain sila.

Nagkukuwentuhan sila.

Si Hillary, halatang masayang-masaya.

“Kain pa at oorder ako Hillary.’’

“Tama na. Magkuwentuhan na lang tayo, Reagan.’’

“Sige.’’ (Itutuloy)

 

vuukle comment

HINDI AKO SUSUKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with