^

Punto Mo

EDITORYAL - Mga biktima ng paputok, dumami pa

Pang-masa
EDITORYAL - Mga biktima ng paputok, dumami pa

UMABOT na sa 100 ang mga nasugatan dahil sa paputok, ayon sa report ng Department of Health (DOH). Ito ay sa kabila na bawal ang paputok sa Metro Manila. Hindi natupad ang pangako ng DOH na “zero casualty” ang pag­di­ri­wang ng bagong taon. Karamihan sa mga nasu­gatan ay mga bata. Marami pa rin ang hindi na natuto o natakot na maaring maputulan ng daliri o braso dahil sa pag­papaputok.

Ayon sa DOH, umabot na sa 100 ang biktima ng paputok mula Disyembre 21, 2020 hanggang Enero 3, 2021. Wala namang naireport na batang nakalunok ng paputok. Sa mga nakaraang pagdiriwang ng Bagong Taon, may mga batang nakakalunok ng watusi. Ang mga edad na nasu­gatan sa paputok ay mula 4-anyos hanggang 53. Pinakamaraming nasu­gatan sa mga edad 10 hanggang 14.

Sa kabila na may mga nasugatan, sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III na masyadong ma­baba ang firecrackers injuries ngayon kaysa noong nakaraang taon. Ayon kay Duque, 85 percent ang ibinaba ngayon. Noong nakaraang taon (Enero 1, 2020), naitala ang 340 kaso ng mga naputukan dahil sa paputok. Sabi pa ng DOH secretary, ang pagbaba ng mga nasugatan ay dahil sa kampanya ng pamahalaan na nagbabawal sa papautok at dahil na rin sa ipinatutupad na health protocol kaugnay sa COVID-19.

Malaki na nga ang ibinaba ng mga nasugatan sa paputok pero mas maganda pa rin kung ‘‘zero casualty­’’. Hindi pa rin lubos ang kampanya ng pamahalaan laban sa paputok sapagkat marami pa rin ang gumamit ng mga ito. Hindi pa rin sila natakot kahit nagbabala na huhulihin ng pulis ang mga gagamit ng mga malalakas na paputok gaya ng sawa, Judas belt, Goodbye Philippines, Bin Laden, piccolo at marami pa. Inilatag pa ang sawa at Judas belt sa kalsada at saka sinindihan. Nagmistulang pumutok na machine gun at napuno ng ingay ang paligid. Nang mahawi ang usok mayroong bata na nasugatan sa daliri dahil sa pinulot na rebentador.

Mawawala lamang ang mga masusugatan sa paputok kung mahigpit itong ipagbabawal ng mga awtoridad. Ipatupad ito nang maayos at mahusay at hindi ningas kugon lamang.

vuukle comment

FIRECRACKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with