^

Punto Mo

Biyuda sa Marikina, iginawa ng bahay ng pulis!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

MALIGAYANG Pasko mga kosa! 

Dumilim ang kinabukasan ng pamilya ni Merlita Villamor Rabino, 71, matapos mawasak ng bagyong Ulysses ang kanilang bahay sa Bgy. Nangka, Marikina City noong nakaraang buwan. Kung sabagay, maraming bahay ang na-wipe out o binaha ng putik noong kasagsagan ng Ulysses at kasama ang pamilya Rabino na may mapait na karanasan. Kaya matapos ang mapaminsalang bagyo, itong biyuda na si Rabino ay nakitira na lang sa kanyang anak na babae na may pamilya na rin.

Subalit “Enter the Dragon,”....este enter the Superman sa katauhan ni Brig. Gen. Matthew Baccay, director ng Eastern Police District (EPD) at biglang lumiwanag ang kinabukasan ni Rabino. Dahil itong si Rabino ang napiling beneficiary ng programa ni Baccay na “Pamaskong Pabahay ng EPD.” Hehehe! Magandang Pamasko ito ni Baccay kay Rabino, na magseselebra rin ng kanyang ika-72 kaarawan sa araw na ito, di ba kosang Arlene Rivera?

Ang construction ng bagong bahay ng mga Rabino sa Balubad Settlement sa Bgy. Nangka ay nagka-ground breaking na noong Disyembre 16 sa pangunguna nina Baccay; Marikina police chief Col. Restituto Arcanghel; Lt. Col. Vicencia Ocampo, chief DCADD, at Capt. Renato Samson, chief SCAS. Ang pursigidong gumawa ng bagong bahay ni Rabino ay ang mga personnel ng EPD District Mobile Force Battalion (DMFB) sa ilalim ng programang “Karpintero Ko, Pulis Ko.»

Natapos ang bungalow-type na bahay kahapon kaya magandang pamasko at pa-birthday ito kay Rabino ngayong Disyembre 25. Saan ka pa? Hehehe! Kaya umpisa sa araw na ito, hindi na magiging maligalig ang buhay ni Rabino. Get’s n’yo mga kosa?

Ang gastusin sa pagpagawa ng bahay ni Rabino ay hindi galing sa pondo ng EPD mga kosa kundi sa bulsa ni Baccay. Si Baccay kasi mga kosa ay naikot ang Marikina City at iba pang lugar sa eastern Metro Manila at nakita n’ya first hand ang devastation na nilikha ng Bagyong Ulysses. Marami kasing bahay ang nagiba o pinasok ng tubig-baha ng bagyong Ulysses subalit ang kay Rabino lang talaga ang wasak na wasak. Kaya napili ni Baccay na s’ya ang unang beneficiary ng kanyang pabahay program. Hehehe! May kasunod pa ba itong magandang proyekto mo General Baccay Sir? Sana all!

Taos puso namang nagpasalamat si Mrs. Rabino kay General Baccay at hiniling na hindi magsawa ito sa pagtulong sa mga mahihirap. Inabutan din kasi ni Baccay ng relief goods si Rabino para me pagkain s’ya sa hapag kainan habang hindi pa bumabalik sa normal ang takbo ng buhay n’ya. Sinabi ni Baccay na ang pagtulong n’ya sa mahihirap ay kasama sa programa ng EPD, hindi lang sa commitment na «to serve ang protect,» kundi para i-ensure din ang welfare ng kanilang constituents. Tsk tsk tsk! Hehehe!

Sana makatulong itong programa ni Baccay para maibsan ang galit ng mga Pinoy sa mga tiwaling pulis, lalo na dun sa nangyaring pagpatay sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac. Itinuring na «isolated case» ang insidente subalit ang imahe ng buong Philippine National Police ang nagiba, di ba PNP chief Gen. Debold Sinas Sir?  Abangan!

vuukle comment

MARIKINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with