^

Punto Mo

Hindi ako susuko (44)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI malaman ni Reagan ang gagawin kung lalapit sa kinaroroonan ng mga anak ni Sir Abe. Ki-nawayan kasi siya ni George para lumapit.

Lalong dumalas ang tibok ng kanyang puso. Bakit kaya siya pinalalapit?

Ganunman, nilakasan niya ang loob. Bahala na.

Bitbit ang portrait, lumapit siya sa mga anak ni Sir Abe. Napansin niyang nakatingin sa kanya ang iba pang mga taong nakikiramay.

“Siya si Reagan, kaibigan ni Tiyo Ábe. Siya ang gumawa ng mga portrait na nasa bahay n’yo,” pagpapakilala sa kanya ni George.

Ang dalawang anak na lalaki ni Sir Abe ay kinamayan siya.

Pero ang anak na babae ay nakasimangot sa kanya. Hindi niya matingnan nang deretso ang babae. Parang asar ito sa kanya. Ano kaya ang dahilan at tila mainit ang dugo sa kanya ng babae.

Matapos iyon ay nagbalik na sa kanyang dating upuan si Reagan. Kinakabahan pa rin siya. Mabilis pa rin ang tibok ng kanyang puso.

Makalipas ang may 10 mi­nuto, lumapit sa kanya si George.

“Reagan, gusto kang maka­usap ni Ate. Nandun siya sa room na ‘yun,’’ itinuro ang room.

“Bakit daw po Sir George?’’

“Mayroon yatang sasabihin.’’

“Eh..’’

“Sige na, Reagan.’’

Tumayo si Reagan at hu­makbang patungo sa room. Bitbit niya ang portrait ni Sir Abe.

Kumatok siya sa pinto ng room. May nagbukas. Pumasok siya.

Nakatingin na sa kanya ang babaing anak ni Sir Abe.

“Ikaw pala si Reagan na pinag-aaral ni Daddy. Alam mo ba na kaya naubos ang pera ni Daddy ay dahil sa pagpapaaral sa’yo. Kahit na tutol kaming magkakapatid ay itinuloy pa rin niya. Ang tigas ng ulo ni Daddy at sinuway kami. Ano ba ang pinakain mo kay Daddy?’’

Hindi makasagot si Reagan. Parang nagkaroon ng clip ang kanyang dila.

“Nasimot ang pera ni Daddy dahil sa iyo! Lintik na pagkakawanggawa ‘yan at pati savings niya ay napunta sa ibang tao. Sa halip na sa amin o sa kanyang mga apo ibigay ay sa hindi niya kaanu-ano ginastos. Akala namin hindi itinuloy ang pagkakawanggawa pero ginawa rin pala. Ano bang pinakain o pinakita mo para mahipnotismo mo si Daddy?’’

Hindi sumagot si Reagan.

Sa halip tumalikod siya at lumabas ng room.

Tuluy-tuloy siya pag­lalakad bitbit ang portrait. Hindi niya kaya ang mga sinasabi ng anak ni Sir Abe.

Masyado na siyang mi­naliit ng babae.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

HINDI AKO SUSUKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with