^

Punto Mo

Hindi ako susuko (43)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANG makita ni Reagan ang mga anak ni Sir Abe, kinabahan siyang bigla. Hindi niya alam kung bakit.

Tatlo ang anak ni Sir Abe – dalawang lalaki at isang babae. Nalaman niya kay Sir Abe noon na ang dalawang anak nito ay nasa abroad at ang isa ay nasa Maynila. Ang babae yata ay naninirahan sa Los Angeles.

Nagpaalam si George kay Reagan para salubungin ang mga anak ni Sir Abe. Si George ay pamangkin ni Sir Abe.

Tumayo si George at sinalubong ang mga anak ni Sir Abe. Naiwan sa upuan si Reagan, hawak ang portrait ni Sir Abe. Hindi siya mapakali sa pagkakaupo.

Sinamahan ni George ang mga anak ni Sir Abe sa kinaroronan ng kabaong.

Pinagmasdan ng mga ito ang ama na nakahimlay sa kabaong.

Napansin ni Reagan na wala man lang umiyak sa tatlong magkapatid makaraang makita ang ama.

Sabagay naisip ni Reagan, baka naubos na ang luha ng mga magkakapatid makaraang malaman ang nangyari sa ama. Baka noon pa ay nag-iyakan na ang mga ito at ngayon ay wala nang mailuha.

Mga ilang minuto ring nakatunghay ang mga anak si Sir Abe sa nakahimlay na ama.

Maya-maya pa, dinala ni George ang mga anak ni Sir Abe sa upuan. Nang nakaupo na ang mga ito, nagulat si Reagan nang bigla siyang kinawayan ni George.

Pinapupunta siya sa kinauupuan ng mga anak ni Sir Abe.

Lalong nakadama  ng kaba si Reagan.

(Itutuloy)

vuukle comment

HINDI AKO SUSUKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with