^

Punto Mo

Hindi ako susuko (42)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HABANG nakatingin si Reagan sa nakahimlay na katawan ni Sir Abe, gusto niyang umiyak pero pinigil niya. Sinarili na lamang niya ang matinding kalungkutan sa pagkawala ng matanda. Sa pagkawala nito, tila mawawala na rin ang pangarap niya na makatapos ng kolehiyo. Tanging si Sir Abe ang inaasahan niya na makakatulong nang malaki para matupad ang pangarap.

Sana hindi ka muna nawala, Sir Abe. Paano na ako? Paano na ang mga pangarap ko?  Ikaw na rin ang nagsabi na malaki ang kinabukasan ko sa pagguhit. Ikaw ang nagpapalakas ng loob ko para gumuhit pa dahil malaki ang tiwala mo sa akin. Ngayong nawala ka na, mahirap humanap ng katulad mong bukas ang loob na tumulong.

Hindi ko alam, Sir Abe kung saan ako tutungo pagkatapos mong mawala. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Akala ko, matagal pa tayong magkakasama.

Paano na itong ginawa kong portrait na ireregalo ko pa naman sana sa’yo. Hindi mo na ito nakita. Ito pa naman ang pinakamaganda kong nagawa. Sayang, hindi mo na ito nasilayan.

Paalam, Sir Abe. Kung saan ka man naroroon, sana ay gabayan mo ako.

Matapos umusal ng dala­ngin ay nagbalik sa upuan si Reagan. Katabi niya ang pamangkin ni Sir Abe na si George.

‘‘Nasabi ni Tiyo Abe na nag-aaral ka, Reagan. Anong year ka na?’’

“Second year, Sir George.’’

“Aba two years pa pala.’’

Gustong na sanang sabihin ni Reagan kay George na si Sir Abe ang nagpapaaral sa kanya pero pini­gilan niya ang sarili. Baka nililihim ni Sir Abe ang pagpapaaral sa kanya.

Sa halip, iba ang na­itanong niya kay George.

“Dumating na po ba ang mga anak ni Sir Abe?’’

“Wala pa. Parating na raw.’’

“Tatlo po ang anak ni Sir Abe ano?’’

Tumango si George.

‘‘Paano po kaya ang gagawin ko rito sa portrait ni Sir Abe?’’

Nag-isip si George.

‘‘Itatanong ko sa mga anak kung saan nila ilalagay ‘yang portrait. Baka sa maliit na gallery. Malalaman natin mamaya.’’

‘‘Sige po.’’

Isang oras ang nakalipas at dumating na ang mga anak ni Sir Abe. Aywan ni Reagan kung ba­kit kinabahan siya.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

HINDI AKO SUSUKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with