^

Punto Mo

Lalaki sa India, inubos ang 1 bote ng ketchup gamit ang straw para makamit ang world record

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa India na marami nang naita­lang world record ang nagdagdag pa ng isa nang ubusin ang isang bote ng ketchup sa pamamagitan ng straw.

Kinailangan ubusin ng taga-Mumbai na si Dinesh Shivnath Upadhyaya ang  95% ng kabuuang laman ng isang bote ng ketchup sa napa-kaikling oras upang madagdagan pa ang listahan ng kanyang mga world record.

Tagumpay naman si Upadhyaya nang magawa niyang ubusin ang laman ng isang 14 ounce na bote ng ketchup gamit ang straw  sa loob lamang ng 25.37 segundo.

Ilan lang sa mga world record na naitala ni Upadhyaya ang pinakamaraming ubas na nakain sa loob ng tatlong minuto at pinakamaraming oranges na nabalatan at nakain sa loob ng tatlong minuto.

vuukle comment

WORLD RECORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with