^

Punto Mo

Bakit mas mabangis ang COVID sa senior citizens?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

ISA sa mga sektor ng lipunan na pangunahing madaling tablan o mahawahan ng anumang sakit tulad ng COVID-19 ang mga senior citizen o iyong mga matandang-matanda na.  Mas maraming senior citizen ang nagkasakit at namatay sa COVID-19. Lahat naman ng mga tao, ano man ang edad,  ay maaaring madapuan ng virus na ito pero mas mabangis ang COVID kapag kumapit ito sa mga senior citizen. Hanggang katapusan ng Setyembre, sinasabing 79 porsiyento ng mga namatay sa COVID sa buong mundo ay mga pasyenteng nasa edad na mula 65 anyos pataas.

Ipinalalagay ng mga scientist na nagbabago ang immune system ng katawan ng tao habang nagkakaedad kaya mas nanganganib na mahawahan ng virus na tulad ng COVID-19 ang mga senior citizen.

Bakit ganito?

Ayon kay Brian Geiss,  associate professor ng Microbiology, Immunology & Pathology sa Colorado State University, mula pagsilang hanggang paglaki ng tao, ang kanyang katawan ay laging pinapasok ng mga pathogen tulad ng mga bacteria, fungi at viruses na dahilan para magkasakit. Dito anIya pumapasok ang immune system ng katawan natin. Ito ang defense system niya laban sa mga pathogen na ito. Bago pa siya ipinanganak,  ang kanyang katawan ay nagsisimula nang gumawa ng  specialized B-cells at T-cells, mga tipo ng white blood cells na tumutukoy sa mga pathogen at tumulong na mapatay o  maharang ang paglaki ng mga ito. Tinatawag ito ng mga scientist na adaptive immune system.

Hindi naman sapat ang adaptive immune system pero meron pang pananggol ang katawan laban sa mga pathogen. Ito ang innate immune response. Bawat selula sa katawan ng tao ay may sariling maliliit na immune system na mabilis na lumalaban sa mga pathogen.  Isang klase ng innate immune cell na tinatawag na monocyte ang nagtatanggal ng mga infected cell.

Pero, habang tumatanda ang tao, nagbabago ang kanyang innate at adaptive immune response. Humihina ito.  Nahihirapan ang monocyte na patayin ang selula ng katawan na napasok ng pathogen. Habang humihina at bumabagal ang immune system, sinasamantala ito ng virus na magsisimulang  mangibabaw na magbubunga ng pagkakasakit at kamatayan.

Kaya, sabi ni Geiss, dahil mas nahihirapan na ang mga mas matatandang indibidwal sa pagkontrol sa viral infections, mas makakabuting sa una pa lamang ay iwasan nilang mahawahan ng virus. Napakahalaga ng mga  health protocol laban sa COVID-19 tulad ng paghuhugas ng kamay, hindi paghawak sa mukha, self-isolation at social distancing. Bukod pa ito sa pagsusuot ng face mask at face  shield.

Kung mananatili laging malayo sa ibang tao nang kahit anim na talampakan, mababawasan ang tsansang  mahawahan ng virus. Mahalagang iwasan ng mga senior citizen na mahawakan ang mga bagay na nahawakan o naubuhan o nasingahan o nalawayan ng taong may COVID-19. Sa pagpigil sa pagkalat ng COVID sa buong bayan at lungsod, natutulungan ang mga tao na nahihirapang malabanan ang infection.

-oooooo-

Email: [email protected]

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with