^

Punto Mo

EDITORYAL - Balik ang bangis ng air pollution sa Metro Manila

Pang-masa
EDITORYAL - Balik ang bangis ng air pollution sa Metro Manila

MAKAPAL na naman ang usok na nakatakip sa Metro Manila. Pinaghalong smoke at fog (smog) ang palutang-lutang sa hangin. Dahil sa smog, hindi na uli makita ang bulubunduking Antipolo kung tatanawin mula sa Quezon City. Naglaho na uli sapagkat makapal na usok na ang nakabalot.

Nang mag-lockdown sa Luzon noong Marso, kasamang na-lock ang maruming hangin na kumukulapol sa Metro Manila. Ipinagbawal ang pagpasada ng mga pribado at pampublikong sasakyan. Pati train, eroplano at mga barko ay hinto rin. Wala ring usok na nagmumula sa mga pabrika, paktorya at iba pang establisimiyento.

At ang resulta ng lockdown, nawala ang air pollution sa Metro Manila at natanaw nang malinaw sa unang pagkakataon ang bundok sa Antipolo. Napakagandang tingnan ang bughaw na bundok. Mayroon palang bundok na matatanaw sa Metro kapag maaliwalas ang panahon.

Gumanda ang kalidad ng hangin sa loob ng dalawang buwan na pagpapatupad na enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa COVID-19. Inalis ang ECQ noong Mayo 15 at inilagay sa modified general community quarantine (MGCQ) ang Metro Manila. Lumuwag nang bahagya. Pinayagan na ang mga pribado at ilang pampublikong sasakyan, kasama ang taxi. Hanggang sa madagdagan pa ang mga bumibiyahe at ngayon, may mga dyipni nang pinayagang makabalik sa kani-kanilang ruta.

At ang resulta, bumalik muli ang nakalalasong usok sa Metro Manila dulot ng mga sasakyan. At kapag tuluyan nang inalis ang lockdown at nagbalik na sa normal ang pamumuhay ng mamamayan, tiyak na balik din ang air pollution. Muling bubulwak sa mga tambutso ang maruming usok na lalason muli sa kapaligiran at unti-unting papatay sa mga tao. Ayon sa report, 80 porsiyento na pinagmumulan ng air pollution ay mga hindi namimintinang sasakyan gaya ng mga karag-karag na dyipni, taxi at trak. Ayon sa Department of Health (DOH), ang maruming hangin ay nagdudulot ng noncommunicable diseases (NCDs) gaya ng allergies, acute respiratory infections, chronic obstructive pulmonary diseases, cancer at cardiovascular diseases.
Napatunayan sa lockdown ang katotohanang kapag nabawasan ang mga sasakyan, tiyak na magiging malinis ang hangin. Bakit hindi mag-eksperimento na kahit man lang isang araw sa loob ng isang buwan ay walang yayaot na sasakyan upang mabawasan ang air pollution sa Metro Manila. Manguna sana rito ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na abala sa pagpapaganda ng Manila Bay.

vuukle comment

POLLUTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with