^

Punto Mo

10 aral ng buhay

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1—Sasaktan ng ibang tao ang iyong kalooban pero kapag nag-react ka sa kanilang ginawa, pagmumukhain nila na ikaw pa ang may kasalanan at nang-aapi sa kanila.Tawag diyan, gaslighting.

2—Karamihan sa mga tao ay sarili lang ang mahal nila kaya don’t worry kung malaman mong may taong ayaw sa iyo.

3—Makikita mo ang tunay na kulay nila, sa panahong hindi ka na nila kailangan.

4—Ang tulong na kailangan mo sa oras ng kagipitan ay kadalasang nakukuha sa mga taong hindi inaasahang tutulong iyo. Ang mga taong malapit sa iyo, sila pala ang walang pakialam sa iyo.

5—Huwag makisama sa taong ang laging ikinukuwento sa iyo ay kapintasan ng ibang tao. Isang araw, kapintasan mo naman ang ikukuwento niya sa ibang tao.

6—Hindi mo mababago ang pangit na opinyon ng ibang tao tungkol sa iyo. Huwag itong intindihin. Basta’t ipagpatuloy mo lang ang iyong masaya at makabuluhang buhay.

7—Huwag paapekto kung may natatanggap kang maling panghuhusga mula sa ibang tao. Isipin mo na lang na sila ay aso. Kasi, ang tinatahulan ng mga aso ay iyong hindi nila kilala.

8—Sabi ni Albert Einstein: “Weak people revenge, Strong people forgive, Inteligent people ignore”.

9—Ang pagtatanim ng galit sa ibang tao ay kagaya ng pag-aalaga ng sugat na puno ng nana.

10—Giit naman ni Morgan Freeman: “There is no bad religion, there are only bad people”.

vuukle comment

LIFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with