^

Punto Mo

ISIS member, test case sa anti-terror law ni President Digong!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

MAGSISILBING test case sa Anti-Terror Law (ATL) ni President Digong itong kaso ng Pakistani national na si Haroon Badhier na nahuli sa Palawan sa pag-iingat ng gawa n’yang pressure cooker bomb. Sinabi ng mga kosa sa intelligence community na itong si Badhier ay isang bomb-maker ng ISIS at nandito sa Pinas para maghasik ng lagim. Si Badhier ay inaresto ng mga tauhan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Maj. Gen. Debold Sinas at ng operatiba ng PRO4-B sa Palawan at nakumpiskahan ng pressure cooker bomb.

Ang nakuhang bomba mga kosa ay kagaya ng ginamit sa Boston marathon sa US kung saan maraming marathoner at miron ang namatay at nasugatan. Kaya nasa timing lang itong mga bata ni Sinas at PRO4-B at napigilan nila ang pagsabog ng bomba sa Pinas na kung nagkataon ay marami ring Pinoy ang malalagas. Araguuyyyy! Get’s n’yo mga kosa? Hak hak hak!

Si Badhier ang kauna-unahang terorista na naaresto sa Pinas matapos lagdaan ni President Digong ang ATL nitong nagdaang mga araw. SWAK s’ya sa bagong batas?

Hindi na madetalye ng mga kosa ko kung paano nila natiktikan itong aktibidades ni Badhier at baka mabisto ang ginawa nila at umiwas pa ang ibang target nilang terorista. Masyadong technical kasi ang operation at baka mamonitor ang iba pa nilang trabaho. Tumpak! Basta ang malinaw, itong si Badhier ay may nagpi-finance ng kanyang bomb-making activities sa abroad.

Namonitor din na may karagdagang kabayaran s’ya kapag may sumabog sa ginawa n’yang bomba. Araguuyyyy! Hak hak hak! Hindi naging balakid sa kapulisan natin itong COVID para mahuli at pigilan itong masamang balak ni Badhier, di ba PNP chief Gen. Archie Gamboa Sir? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan.

Sa monitoring ng intelligence community, itong si Badhier ay dumating sa bansa at nanirahan sa Quezon City ng halos limang taon. GInaya ni Badhier ang negosyo ng mga Bombay na 5-6 para suportahan ang kanyang Pinay na asawa at iba pa nilang pangangailangan. Lumipat si Badhier sa Palawan at sa limang taon n’ya roon ay nakapag-asawa siya ng dalawa, at may dalawa ring anak, anang mga kosa ko. Hehehe! Madaming budget si Badhier, ano mga kosa?

Armado ang mga bataan ni Sinas ng arrest warrant for violation ng R.A. 9516 o illegal possession of explosive na pirmado ni Judge Angelo Arizala, ng Palawan RTC, nang salakayin nila ang bahay ni Badhier sa Bgy. San Jose, Puerto Princesa. Ang pag-serve ng arrest warrant ay sinaksihan nina Kagawad Joel de Guzman at Blas Paduga, at newsman na si Ed Agarap ng Bandera. Hindi na pumalag si Badhier, na kinasuhan ng illegal possession of explosives at paglabag sa anti-terror law. Araguuyyyy!  Hak hak hak!

Minomonitor ng intelligence community ang kaso ni Badhier dahil magiging ehemplo ito sa susunod nilang hakbangin laban sa mga terorista na namumugad sa bansa. Teka nga pala! Ito bang kaso ng aktibistang sina Randy Echanis at Zara Alvarez ang kauna-unahan ding pagpaslang sa hanay ng grupo nila sa panahon ng ATL? Abangan

vuukle comment

DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with