^

Punto Mo

Balik-GCQ sa Metro at ang matitigas ang ulo

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Balik na ang Metro Manila at apat pang karatig lalawigan sa general community quarantine (GCQ) simula ngayong araw.

Ito ang naging rekomendayon ng IATF at maging ng mga Metro Manila mayors para nga naman kahit papaano eh umusad ang ekonomiya.

Magkakaroon uli ng bahagyang kaluwagan.

Balik uli ang biyahe ng mga pampublikong transportasyon, meron na uling dine-in sa mga restaurant, salon  at ang religious activity pinapayagan pero hanggang 30 porsiyento lamang.

Mas maraming ekonomiya na ang magbubukas, na ito naman ang hangad ng marami nating kababayan na naapektuhan ang hanapbuhay at kabuhayan dahil sa lockdown.

Pero sana sa kabila nito, ‘wag naman sanang maging pabaya at kampante ang ating mga kababayan.

Sa isang banda, may ilan na natatakot sa pagbabalik ng GCQ, kasi inaasahan nila muling sisirit ang bilang ng nagkakakaroon ng sakit.

Baka kasi komo, binalik na ang GCQ, nandyan ang akala mo eh wala na ang virus.

Nandyan pa rin yan at patuloy na may panganib, ‘wag lang kalimutan ang mga pinaiiral na health protocols.

Sunod na lang muna, para hindi na tumaas ang bilang ng may COVID.

Tandaan patuloy ang pagbabantay sa mga pasaway at may mga nakalaang kaparusahan sa mga mahuhuling matitigas ang ulo.

Dalawang bagay ang kailangang matupad para malabanan ang COVID, ito ay ang epektibong pagtugon ng pamahalaan at pangalawa ay ang pagsunod at pakikiisa ng mga mamayan sa mga ipinatutupad na patakaran.

Hindi pwedeng isa lang ang mangyayari , kailangan sabay para maipatagumpay ang laban sa COVID.

 

 

 

    

vuukle comment

GCQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with