^

Punto Mo

Wala akong pakialam kung sinumang talpulano ang padrino n’yo!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

WALANG problema sa akin kung may mamamagitan kung ang layunin ay resolbahin ang problema.

Galit ako sa mga nangingialam na nga, pero ang punto ay ipagtanggol ang inirereklamo at pasinungalingan ang sumbong ng mga biktima.

Itong sumbong na tinatrabaho ng BITAG hinggil sa mga kasambahay na pinalayas sa gitna ng enhanced community quarantine (ECQ) ng mga Tsinong amo ay lalo akong ginaganahan.

Isang dating senadora ang nakipag-ugnayan sa amin para makatulong daw na maayos ang problema. Pero sa tono ng kanyang pakikipag-usap sa BITAG, kinokontra niya ang sumbong ng mga nagrereklamong kasambahay.

Hindi ko maintindihan kung ang kanyang kaibigan ay ang inirereklamong mag-asawang among Chinese na sina Irwin at Felice Chua o ang kapatid na si William Chen.

Ilang beses kong ipinaliwanag, paulit-ulit ako na bastos at arogante ang mag-asawang dayuhan­ na amo. Kung sinu-sinong ipinagyayabang ng mga ito na kesyo may kaibigan na pulitiko, taga-DOJ, CIDG at NBI.

Makailang beses pinuntahan, binisita at ipinatawag ng barangay maging ng mga pulis sa Camp Panopio ang tirahan ng mag-asawa sa 205 Rockwell Bgy. Santolan. Ni minsan, hindi naman nakipag-usap o nagpakita ang mga ito.

Ang layunin ng makailang beses na bisita ng mga otoridad, samahan ang mga nagrereklamong kasambahay para makuha ang kanilang mga gamit tulad ng damit, cell phone, passport, wallet at huling sahod.

Bukod dito, sinampahan ng kasong pagnanakaw ang isa sa mga kasambahay na lumapit sa amin. At ang nagreklamo, ‘yung kapatid ng among babae na nanakit sa kasambahay.

Kaya sa buwisit ni ex-senator sa tono ng boses ko, nasabi niyang “paano ba ako napasok sa isyu na ‘to.” Tanong mo kaya sa sarili mo?

Noong una, nangako pa si ex-senator na kakausapin daw ang mga inirereklamong amo para harapin ang mga otoridad at maibalik na ang gamit ng mga kasambahay. Anyare?

Wala akong pakialam kung sinumang Hestas, Hudas , Barabas, talpulano’t talpulana ang gamiting padrino ng mag-asawang ito dahil tatayo kami sa mga biktima.

Alamin ang detalye at kilalanin ang dating senadora na tinutukoy ko. Uploaded ang video sa BITAG OFFICIAL YouTube Channel!

vuukle comment

BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with