^

Punto Mo

Elvis impersonator, 50 oras na kumanta para sa world record

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG Norwegian Elvis Presley impersonator ang kinanta­ ang mga awitin ng pamosong singer sa loob ng 50 oras, 50 minuto, at 50 segundo.

Nagsimulang kumanta ang 52-anyos na si Kjell Henning Bjornstad, kilala rin sa stage name na Kjell Elvis, noong nakaraang Huwebes sa isang bar sa Oslo, Norway at tumigil lamang siya noong Sabado.

Dati nang nakapagtala ng record si Bjornstad sa isang Elvis singing marathon noong 2003 ngunit naagaw sa kanya ang titulo ng isang German nang sumunod na taon.

Dahil sa haba ng oras, namaos ang boses ni Bjormstad matapos niyang mabawi ang world record.

Ayon sa kanya, ito na ang huling pagkakataong siya ay magtatangka na makapagtala ng isang singing marathon world record.

vuukle comment

ELVIS PRESLEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with