Kauna-unahang old-plated’ na hotel, binuksan sa Vietnam
NAGBUKAS na sa Vietnam ang sinasabing “gold-plated” hotel at ayon sa mga may-ari nito ay hindi ito malulugi sa kabila ng paghina ng turismo bunsod ng COVID-19 dahil mayroon daw silang Midas touch.
Nagkakahalaga ng $200 million (katumbas ng P10 bilyon) ang pagtatayo ng hotel na may 24-carat plating hindi lamang sa mga lobby nito kundi pati na rin sa mga kagamitan sa bawat silid.
Balewala sa mga mayayamang Vietnamese ang mahal na bayad sa mga kuwarto ng hotel na gustong mamuhay ng ilang gabi ng katulad ni US President Donald Trump, na sinasabing mahilig sa mga bagay na kumikinang.
Patok naman ang gimik ng hotel sa iilang customers nito, katulad ng isa nilang panauhin mula South Korea na nagsabing pakiramdam daw ay isa siyang hari o pharaoh noong sinaunang panahon dahil sa karangyaang nakapaligid sa kanya.
- Latest