Face masks sa Florida, gawa sa balat ng sawa
ISANG lalaki sa Florida ang nakaisip ng solusyon na sabay lulutas sa dalawang problema sa kanilang lugar – ang kakulangan ng face masks at ang pagdami ng mga peste.
Ginagawa kasing face masks ng 63-anyos na si Brian Woods ang balat ng mga python at iguana na masyado nang dumarami ang populasyon sa Everglades, na isang malawak na latian sa timog na bahagi ng Florida.
Pinaniniwalaang mula sa mga nakawala o mga pinakawalang mga alaga sa bahay ang dumaraming populasyon ng mga python at iguana sa Everglades.
Mabilis kumalat ang usap-usapan ukol sa ideya ni Woods kaya marami ang nagtutungo sa tahanan niya ngayon na mga nanghuhuli ng sawa at iguana upang ipagbenta ang kanilang huli sa kanya.
Ginagamit naman ni Woods na materyales ang balat ng mga python at iguana para sa mga face masks na ipinagbebenta niya ng $90 (katumbas ng P4,500) sa kanyang Facebook page.
- Latest