^

Punto Mo

Most wanted criminal ng Metro, nasakote sa Leyte!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

HINDI naging hadlang ang COVID pandemic para paigtingin ng mga tauhan ni NCRPO chief Maj. Gen. Debold Sinas ang kampanya laban sa mga kriminal kaya naaresto sa Leyte ang No. 1 most wanted person sa Metro Manila. Si Prelan Grama ay nasakote sa Bgy. Zone 5 Sogod town matapos ang halos dalawang buwan na pagmamanman ng mga operatiba ng NCRPO.

Sinabi ni Sinas na si Grama ang pangunahing suspect sa pagpaslang kay retired Lt. Col. Cipriano Herrera, na dating Station 3 commander ng Manila Police District (MPD). Matapos ang halos limang taon ding pagtatago, kasama ang kanyang live-in partner, ay na-trace si Grama ng mga bataan ni Sinas sa pamamagitan ng networking. Araguuyyy! Hak hak hak! Walang ligtas ang mga kriminal kay Sinas.

Si Grama ay nasakote nina Maj. Lymel John Pasquin, ng Regional Special Operations Group (RSOG) ng NCRPO; Maj. Merben Bryan Lago, intelligence chief ng Regional Mobile Force Batallion (RMFB) at ng Sogod PNP bandang 7:00 ng gabi noong Mayo 16 sa bisa ng arrest warrant sa kasong murder, carnapping at robbery na ipinalabas ni Judge Alma Crispina Collado Lacorte ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 21.

Ayon kay Col. Remus Medina, NCRPO intelligence chief, binaril ni Grama si Herrera noong Disyembre 27, 2015. Sa panahon na ‘yun, si Herrera ang barangay chairman sa kanilang lugar.  Sabi pa ni Medina, si Grama ay hindi naman gun-for-hire subalit may patung-patong na kasong hinaharap kabilang na ang robbery at carnapping. Si Grama ay dating drayber ni Herrera na nagalit sa kanya dahil sa sumbong ng kapatid na hinipuan siya, ang dagdag pa ni Medina. Araguuyyyy! Hak hak hak! Nag-alaga ng Hudas si Herrera? 

Sa pagtatago niya, si Grama ay naging No. 1 most wanted person ng NCRPO kaya hinanting s’ya ng mga bataan ni Sinas. Siyempre, deny to death si Grama sa bintang sa kanya. Sa ngayon, bumibiyahe pa lang si Grama, at ang arresting officers niya papuntang Metro Manila at nakatakda na siyang ilipat sa kustodya ng sala ni Judge Lacorte sa darating na mga araw. Araguuyyy! Hak hak hak! Matatahimik na rin ang kaluluwa ni Herrera dahil nalutas na ang kaso sa kanyang pagpaslang.

Ayon kay Medina tuloy lang ang trabaho nilang lahat habang may COVID kaya ‘wag na kayong magtaka mga kosa kung makita n’yo si Sinas na nag-iinspeksyon sa “frontliners” sa entry at exit points ng Metro Manila ha? Bahala na ang korte sa kanila, di ba kosang Caby Cabacang Sir, na kaibigan ni Col. Paco Francisco, ang executive officer ng Directorate for Operations (DO). Hak hak hak!

Puwede pa bang magkomentaryo sa kaso ni Sinas kahit nasa korte na ito? Ano sa tingin mo Brig. Gen. Matt Baccay, chief ng legal service ng PNP? Abangan!

 

vuukle comment

LEYTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with