^

Punto Mo

Mga empleyado ng kompanyang exempted sa community quarantine, maari bang parusahan?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

May-ari po ako ng restaurant na patuloy ang operasyon sa kabila ng community quarantine na ipinatutupad sa aming lugar. May mga empleyado po ako na hindi pumapasok dahil sa takot na sila ay mahawa ng COVID-19 paglabas nila ng bahay. Marami raw kasi ang nagpositibo sa virus dito sa aming lugar. Maari ko ba silang parusahan sa hindi nila pagpasok?

– Lanie

Dear Lanie,

Hindi mo sila maaaring parusahan. Nakasaad sa Section 3 ng Labor Advisory 1-20 na inisyu ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong January 13, 2020 na hindi maaring patawan ng isang employer ng kahit anong adminis­trative sanctions o parusa ang mga empleyado niyang hindi makapasok o tumangging pumasok sa trabaho sa kadahilanan ng nakaambang panganib na dulot ng isang sakuna o kalamidad.

Dahil matatawag na isang kalamidad ang nangyayaring pandemic ngayon at rasonable ang pagkakaroon ng pangamba ng mga empleyado mo na sila ay mahawahan ng COVID-19, saklaw ang sitwasyon n’yo ng nabanggit na Labor Advisory na inilabas ng DOLE. Bagama’t hindi mo sila kailangang sahuran kung wala naman silang ginawang kahit anong trabaho sa hindi nila pagpasok alinsunod sa prinsipyo ng “no work-no pay” ay hindi ka naman maaring magpataw ng parusa sa kanila. Hindi kasi masisisi ang mga empleyado na unahin ang kanilang kapakanan lalo na’t matindi ang pagkalat ng virus na ating kinakaharap.

vuukle comment

QUARANTINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with