^

Punto Mo

Pagpapasya sa ECQ at GCQ, ‘wag madalian

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Positibo ang marami na unti-unti nang babalik sa normal ang takbo ng buhay matapos ang halos dalawang buwan na pagpa­patupad sa enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon dahil sa COVID-19.

Ngayon unti-unti nang ipinaiiral sa ilang lugar ang general community quarantine (GCQ) na dating nasa ilalim ng ECQ. Ibig sabihin magkakaroon ng kaunting kaluwagan.

Sa ilalim ng ‘new normal’unti-unti nang papayagan ang pagbiyahe ng ilang pampublikong trans­portasyon ngunit kailangan pa rin na masunod ang physical distancing. Kaya nga 50 percent­ lamang nang dating sakay ng mga ito ang kailangang isakay ngayon sa ilalim ng GCQ.

Magbubukas na rin ang ilang negosyo.

Ang National Capital Region (NCR) ay hindi pa kasama sa GCQ at patuloy na nasa ilalim pa ng ECQ hanggang Mayo 15.

Wala pa ring nakakatiyak kung ano ang puwedeng mangyari pagkatapos ng nasabing petsa, kung tuloy pa rin ba o sasailalim na tayo sa GCQ?

Iyan ang inaabangan ng marami nating kababayan lalo na ang naapektuhan ang kabuhayan dahil sa lockdown.

Hindi lang ordinaryong manggagawa ang umaaray na, kundi maging ang mga negosyante, malaki man o maliit ramdam na ang hirap dulot ng lockdown sa COVID, kaya nga panalangin ng marami magbalik na sa normal.

Magkagayunman, dapat pa ring hindi magmadali ukol dito. Dapat pa rin na mapag-aralang mabuti kung ano ang makabubuti.

Baka kasi naman masayang ang lahat na nang ating tiniis sa lockdown, baka kamukat-mukat eh bumalik sa dati na kailangan na muli itong ipatupad.

Baka magkaroon pa ng second wave nag pandemic na ito.

Mas maigi na raw ang isang bugso nang pagtitiis, kaysa uulit na naman at back to zero tayo.

Hindi dapat magmadali sa pagpapasya, dapat pag-aralang mabuti kung ano ang makabubuti sa nakakarami.

Sa ngayon dapat tulung-tulong, gawin ang lahat ng mga patakarang ipatutupad ng pamahalaan, makiisa at tumulong na maibsan at hindi na kumalat pa ang COVID, para makabalik na tayo sa dati at muling makabangon.

vuukle comment

ECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with