^

Punto Mo

Due date sa pagbabayad ng utang, may palugit ba ngayong panahon ng ECQ?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Wala po akong natatanggap na sahod ngayon dahil isa ang kompanya ko sa mga napilitang magsuspinde ng operasyon dahil sa ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ). Itatanong ko lang po sana kung may palugit din na ibinigay para sa pagbabayad ng utang katulad ng mga nababasa ko na palugit na ibinibigay para sa upa? May hinuhulugan po kasi akong sasakyan at hindi ko sigurado kung saan kukuha ng pambayad para sa hulog ko ngayong buwan sa aking car loan.

-- Gerry

Dear Gerry,

May palugit din na ibinigay ang batas para sa pagbabayad ng utang. Sa ilalim ng Section 4(aa) ng Republic Act No. 11469 o Bayanihan Heal As One Act, kailangang bigyan ng hindi bababa sa 30 araw na mandatory grace period ang lahat ng utang na may due date na papatak sa loob ng panahon ng ECQ.

Saklaw ng batas na ito ang mga banko at iba pang mga pi­nansyal na institusyong nagpapautang na nasa ilalim ng panga­ngasiwa ng Bangko Sentral at ng iba pang ahensya ng gobyerno.

Bagamat hindi mo naman nabanggit ay ipagpapalagay ko na sa banko mo inutang ang car loan mo kaya covered ang iyong utang sa mga kailangang bigyan ng hindi bababa sa 30-day mandatory grace period alinsunod sa sinasabi ng bayad.

Bibilangin ang dagdag na 30 araw mula sa orihinal na due date ng iyong utang kaya kung April 30 ka nakatakdang magbayad ay mayroon ka nang hanggang May 30 para bayaran ito, alinsunod sa 30-day mandatory grace period.

Ngayong alam mo na ang karapatan mo sa ilalim ng batas ay mas mainam kung makikipag-ugnayan ka rin sa banko mo hindi lamang upang malaman ang patakaran nila patungkol sa iyong utang, kundi pati na rin upang masigurado mo kung alinsunod ba ito sa sinasabi ng batas.

vuukle comment

ECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with