^

Punto Mo

Presyo ng gamot at bakuna sa COVID-19

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

SANA nga matuklasan na sa lalong madaling panahon ang gamot at bakuna laban sa COVID-19 na puminsala sa ekonomiya at ibang aspeto ng pamumuhay ng sangkatauhan at pumuksa nang maraming buhay dito sa Pilipinas at buong mundo. Gamot para gumaling ang isang pasyenteng may COVID at bakuna para hindi tablan ng virus nito ang isang tao.  Kaso, sakaling may matuklasang gamot o bakuna, hindi naman ito agad-agad na maipapagamit sa mga pasyenteng may COVID dahil dadaan pa ito sa iba’t ibang proseso.

Ayon sa mga dalubhasa, aabutin ng buwan o taon bago matuklasan at magawa at maipagamit sa mga pasyente ang hinahanap na gamot at bakuna. Meron ngang mga gumagaling sa naturang sakit pero, batay sa mga ulat, pawang mga nasa antas pa lang ng mga eksperimento at trials ang mga ipinanggagamot sa mga gumagaling na pasyente. At, dahil nga wala pang aktuwal na gamot laban sa COVID-19, iba’t ibang mga paraan ang sinusubukang ipanglunas sa mga may sakit. Sinusubukan nga rin ang mga gamot sa SARS at malaria halimbawa.

Habang isinusulat ito, batay sa tala ng Department of Health, umabot na sa 7,294 ang mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, 792 ang gumaling at 494 ang namatay.

Sa buong mundo, 2.7 milyong tao na ang nahawahan ng COVID-19 mula nang magsimula sa Wuhan, China. Sa bilang na ito, mahigit 740,000 ang gumaling at mahigit 190,000 ang namatay. Napakaliit ng bilang ng mga gumagaling kumpara sa mga nagkakasakit at namamatay sa  coronavirus.

Gayunman, habang sinasaliksik pa ng mga kinauukulan ang pinakaiinipang epektibong gamot na ito, sana maisaalang-alang at mapag-aralang mabuti ang magiging presyo nito sakaling maipakalat na sa mga pamilihan. May mga ulat kasi na umaabot sa milyong piso ang bayarin sa ospital ng mga pasyenteng nahawahan ng COVID-19. Mabuti na lang at sinasalo ito ng Philippine Health Insurance Corporation.  Kung umaabot sa milyon ang halaga ng pagpapaospital, paano pa kaya ang magiging presyo ng matutuklasang gamot o bakuna sa COVID-19?

Karamihan pa naman ng mga madaling mahawahan ng naturang virus ay mga senior citizen. Wala marahil problema sa mga senior citizen na mayayaman. Pero paano na ang mga senior citizen na hindi na makapagtrabaho, walang ibang mapagkukunan ng pambili ng gamot, kung meron mang pension ay maliit pa na kulang sa mga pangangailangan sa araw-araw?  At, sa pangkalahatan, ang sitwasyon ng mga mahihirap na hirap makabili ng mga kailangang gamot kung meron silang sakit.

Email: [email protected]

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with